CHAPTER 16

2039 Words
FARRAH'S POV ---- DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan para hindi makalikha ng ingay. Balak kong puntahan si Mommy. Hindi ako makatulog kakaisip kung ano ba ang ginawa niya. Kanina ko pa gustong bumaba, pero ang tagal umakyat ng mga kupal kong kuya. Wala na silang ibang ginawa kundi magtawanan. Nagdiriwang na sila agad, wala pa ngang nangyayaring hindi maganda sa akin. Kung meron lang akong kasundo sa kanila, kanina ko pa nalaman ang tinatago nilang ginawa ni Mommy. Kaso wala. Isang himala na kapag nangyari iyon. Simula nang isilang ako, galit na galit na sila sa akin. Tinangka na rin nila akong patayin, dahil masamang damo ako, hindi sila nagwagi. Mga mukhang mana kasi, uhaw na uhaw sa kayamanan at kapangyarihan. Ano bang nakukuha nila doon? Kairita lang. Hindi ba sila mabubuhay na walang pera? Tsk! Tumingin muna ako sa paligid pagbaba ko ng hagdan. Halos mapatalon ako sa gulat, dahil nakita kong nakatayo si Dad sa pinto ng theater room, habang seryosong nakatingin sa akin. "Alam kong balak mong puntahan ang iyong ina, hindi nga ako nagkamali." Malamig niyang sabi. "Ano bang ginawa ni Mommy? Bakit ayaw ninyong sabihin sa akin?" Tanong ko sa kanya. Naiinis na ako. "Hindi mo na kailangang malaman. Ang dapat mong pagtuunan ay iyang pag-aaral mo! Kahit ngayon lang, Farrah, pakinggan mo ako." Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Mukhang hindi maganda ang ginawa ni Mommy. Darn it, gusto kong malaman kung ano talaga iyon! "Kung ayaw ninyong sabihin, sige, hindi na ako mangungulit. Pero may gusto lang akong hilingin. Sana ibalik ninyo na ang mga nawala kina Augustus. Mag-aaral ako tulad ng gusto mong mangyari at papakasalan si Noah." Seryoso kong sabi sa kanya. His face showed that he was shocked, but within a second, it became serious. "Kung hindi ako pumasa ngayon taon, hindi ko na pakikialaman ang magiging desisyon mo. Lahat ng iyong gusto, susundin ko. Pero dahil ayoko, kahit anong mangyari, ipapasa ko at ipapakita kong makakapagtapos ako ng pag-aaral nang walang bagsak." Dagdag ko pa. Ngumisi siya sa akin. "Tingnan natin, madali lang naman akong kausap. Kapag maganda ang grades mo at wala kang ibibigay na sakit sa ulo, hahayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Hindi ako nagbibiro, Farrah, maging mabuting anak ka lang, magagawa mo lahat ng iyong gusto." Chinachallenge ba ako ng matandang ito? "Deal, tinatanggap ko ang iyong hamon! Huwag mo akong hinahamon, tanda! Dahil hindi kita uurungan. Huwag mong kakalimutan, ako mismo ang magpapabagsak sa iyo!" Seryoso kong sabi habang nakaturo ang aking isang daliri sa kanya. "Hihintayin ko iyan, Farrah. Pero mukhang matagal pa dahil wala ka pang napapatunayan sa akin. Saka ko na ihahanda ang aking sarili, oras na nakita kong may maipaglalaban ka na!" Nakangisi niyang sabi sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Huwag kang maging kampante. Kaya kitang pabagsakin sa paraang kaya ko! Baka nakakalimutan mong isa rin akong Fukuda. Kung kaya mong paikutin ang mga taong nasa paligid mo, kaya ko rin." Tumawa siya nang mahina habang nakatingin sa akin. Sige lang, tumawa ka ngayon, pero sa susunod, titiyakin kong luluhod kayong lahat sa aking harapan. "Mukhang kailangan mo nang matulog, nahihibang ka na naman! Bago mo magawa ang plano mong iyan, marami ka pang bigas na kakainin, Farrah. Sa ngayon, uupo lang muna ako habang pinapanood kang nahihirapan, para lang maabot ako. Kailan kaya mangyayari iyan? Hindi ko na kayang maghintay nang matagal!" May halong pang-aasar niyang sabi. Taas-noo akong tumingin sa kanya. "Hindi pa rin ako susuko, Freddy! Pagdating ng araw na iyon, sisiguraduhin kong luluhod ka at hahalikan ang aking paa. Hindi na rin ako makapaghintay na makita kang nakaluhod sa harapan ko." Hindi nagpapatalo kong sagot bago siya talikuran. Tumawa pa ako nang mahina para ipadama ang pang-iinsulto ko sa kanya. Tanga na siya kapag naniwala siyang papakasalan ko si Noah. Isang kahibangan ang tawag doon. Mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga kaysa maikasal sa lalaking iyon. Kung si Augustus ang ipapakasal sa akin, ngayon mismo, papayag ako. Dahil wala akong ibang gusto kundi siya lang. Gagawa ako ng paraan para unti-unting bumagsak ang aking ama. Kay Augustus ako hihingi ng tulong. Nakikipagsabwatan ako sa kanya, sabay naming patumbahin si Freddy. — 3RD PERSON'S POV —- NAKAYUKONG NAGLALAKAD si Shella dahil pinagtitinginan siya ng kapwa niya estudyante. Napayakap ang dalaga sa kanyang sarili, pakiramdam niya ay pinandidirihan siya. Nagtataka sila dahil sa itsura ng dalaga: gulo-gulo ang kanyang buhok at halatang wala pa itong tulog dahil sa laki ng eye bags nito. "Anong nangyari kay Shella?" "Ayos lang kaya siya? Parang wala siya sa katinuan." "Bakit ganyan ang itsura niya?" "Hindi man lang niya prinantsa ang kanyang uniform." Hindi alam ni Shella ang kanyang gagawin, kaya tumakbo na lang siya papunta sa comfort room para ayusin ang sarili. Agad siyang pumasok sa isang cubicle. Napatakip siya ng kanyang tenga dahil naririnig na naman niya iyong tawanan ng mga lalaki. Napayakap siya sa sarili, pakiramdam niya'y may mga humahalik pa sa kanyang katawan. Palabas na sana siya sa cubicle, pero hindi natuloy dahil may narinig siyang dumating at nag-uusap tungkol pa sa kanya. "Nakita mo ba si Shella kanina? Nakakadiri iyong itsura niya, sa tingin mo anong nangyari sa kanya?" Tanong ng babae sa kanyang kaibigan habang naghuhugas ng kamay. "Oo, ngayon ko lang nakita na ganoon siya, para siyang baliw na ewan. Kung nasa tamang pag-iisip siya, hindi ganoon ang itsura niyang papasok dito sa school." Sagot naman nito bago maglagay ng lipstick sa labi. Nakayuko lang si Shella habang nakaupo sa inidoro. "H-hindi! Hindi nila puwedeng malaman ang nangyari sa akin. Hindi, ayoko!" Umiiyak na niyang sigaw. Nagulat naman ang dalawang babae. "Ta-tama na, ayoko na! Gusto ko nang tahimik na buhay, hindi iyong ganito. Sinira ninyo ang buong pagkatao ko, mga hayop kayo!" Muling sigaw ng dalaga habang pinupunasan ang buo niyang katawan na tila sobrang dumi niya. "Nakakadiri! Ang dumi-dumi ko na!" Hindi naman alam ng dalawang babae kung ano ang kanilang gagawin. Hinubad ni Shella iyong suot na uniporme at pinunasan ng tuwalya ang katawan niya. Mariin ang bawat pagpunas niya. Kahit nagbabad na siya kahapon, ay parang nananatili pa rin sa kanyang katawan iyong laway ng mga lalaki. "Ang dumi-dumi ko." Pabulong na sabi at biglang humagulgol ng iyak. Nagkakagulo na sa labas ng comfort room dahil sa ginagawang pag-iyak ng dalaga. "Iba talaga kapag mayayamang tao, lahat gagawin para lang makuha ang kanilang gusto! Akala ninyo kung sino kayong malilinis, mga hangal naman ang kaluluwa! Mga hayop kayo!" Muli niyang sigaw bago lumabas ng cubicle. Nagulat silang lahat nang makita siyang nakahubad, lalo na ang mga pasa nito sa katawan at paso ng sigarilyo. "Anong nangyari sa kanya?" "Sino ang may gawa niyan sa kanya? Grabe naman, wala silang awa!" "Nakakadiri naman iyan!" "Nababaliw na ba siya? Bakit siya nakahubad!?" Unti-unti nang dumadami ng mga estudyante ang nanonood sa kanya. "Sige, husgahan ninyo akong lahat, total doon naman kayo magaling, 'di ba?" Sigaw niya sa mga nanonood sa kanya at malakas itong tumawa. "Kapag baho ng ibang tao, ang hilig ninyong makisawsaw. Pero iyong mga baho ninyo sa katawan, halos ayaw ninyong malaman ng iba. Mga wala kayong kaluluwa! Ganyan ba kayong mayayaman, mahilig mag-manipula ng ibang tao? Para lang sa kagustuhan ninyo? Paano naman kaming mga mahihirap lang? Mga hayop kayo!" Muli siyang sumigaw. Umiyak na naman siya. Napaupo sa sahig si Shella habang patuloy na umiiyak. Nakakaramdam sila ng awa para kay Shella, iyong iba naman ay napaiyak dahil sa kalagayan ni Shella. HABANG si Augustus naman, kalalabas lang niya ng kanyang sasakyan. Nakita niyang nagkakagulo ang kapwa mag-aaral. Hindi na lang niya pinansin, dahil wala namang bago, laging may tsismis. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Pupuntahan niya si Shella, dahil wala na ito sa bahay nila kanina, maaga raw umalis. Augustus, upon hearing the conversation, merely raises an eyebrow. "May babae raw sa Comfort room nakahubad. Parang baliw." "Tara, tingnan natin sino ba iyon? "Naririnig ko kanina, Shella raw ang pangalan." Dahil narinig niyang iyon ay napahinto siya sa paglalakad. "Sino ang babaeng nasa comfort room?" Malamig niyang tanong na ikinagulat ng dalawang babae. "Shella ang pangalan." Agad na sagot ng dalaga. Halos takbuhin na ni Augustus papunta sa Komport room ng mga babae. Pagdating niya, ang daming mga estudyanteng nanonood. "Magbabayad kayong lahat! Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyong kalapastangan sa akin!" Umiiyak na sigaw ni Shella. Nanlaki ang mata ng binata. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang boses na iyon. "Shella." Tinawag niya sa dalaga. "Mga hayop sila!" Muling sigaw ng dalaga. Agad na sumingit ang binata sa kapwa nila estudyante para mapuntahan si Shella. Hindi niya alam ang nangyayari, pero sa paraan ng pag-iyak ng dalaga ay alam niyang may problema ito. Halos manigas si Augustus nang makita ang dalaga. Nagulat naman si Shella. Lalo siyang naiyak dahil sa itsura ng binata. Nadudurog ang puso ni Augustus. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sa itsura pa lang ni Shella ay alam na niyang may mali. Ang kanyang puso ay nag-aapoy sa galit. Hindi niya mapapatawad kung sino man iyong gumawa nito kay Shella. "Babe, patawarin mo ako, I'm sorry, hindi ko ginusto ang nangyari. Patawarin mo ako." Halos pabulong na sabi ni Shella bago tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay. "Huwag mo akong tingnan, huwag kang lalapit sa akin! Ang dumi-dumi ko. Isa akong maduming babae. Si-sinira nila ang buong pagkatao ko. Patawarin mo ako, wala akong nagawa, hinayaan ko sila- Ahhhhh!!" Nanginginig na boses niyang sigaw, habang hinahaplos ang kanyang buong katawan. "Patawarin mo ako. Isa na akong babaeng madumi, wala na ang iniingatan kong dapat sa iyo ko lang ibibigay. Kinuha na nila, wala na, lahat wala na, sirang-sira na ako." They were all shocked with what was revealed, especially Augustus, who was trembling with rage. Hinubad niya ang suot niyang jacket at nilapitan si Shella. Tinakpan niya ang katawan ng dalaga at niyakap nang mahigpit. Nagpupumiglas si Shella dahil ayaw niyang yakapin siya ng binata. "Bitawan mo ako, hindi mo dapat niyayakap ang isang tulad ko." Mariin niyang sabi habang pilit na inaalis ang kamay ni Augustus. "Lumayo ka sa akin! Layuan mo ako!" Sigaw ng dalaga sa kanya. Imbes na sundin niya ito, mas hinigpitan pa ni Augustus ang pagkakayakap nito. Nanghihina na si Shella dahil kanina pa siya umiiyak. "Bitawan mo na ako, pakiusap." The girl said in almost a whisper. Nararamdaman ni Augustus sa sakit na nararamdaman ng dalaga. Bawat pagmamakaawa nito. "Hindi, hindi kita bibitawan kahit ano pang sabihin mo. Ikaw pa rin ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ka nakakadiring tao, Shella, huwag mong isipin ang bagay na iyan dahil ang totoong madumi ay iyong gumawa nito sa iyo! Magbabayad sila sa ginawa nila. Dadalhin ko silang lahat sa impiyerno. Sabihin mo sa akin, sino ang may gawa nito sa iyo?" Seryosong tanong ng binata. Umiiling-iling si Shella. "Hindi ko alam, wala akong makita—" Hindi na natapos ni Shella ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. Agad naman binuhat ni Augustus ang dalaga. "Shella, gumising ka!" Sigaw niya sa dalaga. Sunod-sunod siyang napamura sa kanyang isipan. Halos takbuhin na niya papuntang parking lot. "Damn it!" Mura niya. Needed to bring Shella to the hospital. Nakasalubong ni Augustus ang kanyang mga kaibigan. Nagulat sila nang makita si Shella na walang malay at may mga pasa sa katawan. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Hermida sa kaibigan. "Mamaya ka na magtanong, kailangan kong madala sa ospital si Shella." Malamig na sagot ng binata bago sila lampasan. Sumunod naman silang tatlo kay Augustus. Pagdating nilang parking lot, sumakay na si Hermida sa driver seat. Si Augustus naman ay sa back seat kasama si Shella, nakahiga ito sa kanyang hita. Si Carrasco ay sa kotse ni Marcus sumakay. "Nag-away na naman ba sila ni Farrah?" Tanong ni Hermida habang nasa daan ang tingin. "Hindi, may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kailangan ko ang tulong ninyo, pero kailangang makausap ko muna si Shella kung anong nangyari at sino ang gumawa nito sa kanya." Seryosong sagot ni Augustus. "Hindi ako papayag na mabalewala lang ito! Kailangan kong kumilos, si Shella ang pinag-uusapan dito! Magbabayad sila, lintik lang ang walang ganti!" Dagdag niyang sabi habang hinahaplos ang mukha ng dalaga. ITUTULOY ​
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD