*3RD PERSON'S POV*
~
PUMUNTA ang mga kaibigan ni Augustus sa ospital. Pagdating nila doon ay tulog si Shella habang ang binata ay nanatiling gising. Dahil biglang magigising ang dalaga at umiiyak.
"Oh kamusta na siya?" Tanong ni Marcus bago umupo sa sofa.
"Kailangan niyang mabantayan at laging may kasama." Malamig na sagot ni Augustus.
"Good news bumalik na ang iba nating contact, lalo na yung mga katransaksyon natin." Masayang sabi ni Marcus sa kaibigan.
"Kinausap ni Farrah ang kanyang ama, kaya bumalik na yung iba." Malamig niyang sagot, nagkatinginan silang apat dahil sa sinabi ng binata. Hindi sila makapaniwala na nagawa iyon ng dalaga. Dahil mahirap kausap si Mr. Fukuda, hindi ito basta pumapayag at alam nilang may kapalit 'to.
"Oh akalain mo yon lahat ginagawa para sayo, bakit hindi ka na lang makipag date sa kanya. Pwede mo siyang gamitin Merced." Seryoso naman sabi ni Declan.
"Kaya nga, pwede mo siyang magamit para sa pansariling nais." Sang-ayon naman ni Marcus.
"Lalo na ngayon, kailangan mo ng malaking pera para sa panggagamot ni Shella. Ganito na lang pustahan tayo, yayain mo siyang makipag-date sa'yo. Tapos kapag naging kayong dalawa, kami na ang bahala sa mga gamot ni Shella." Muling sabi ni Marcus, ngumisi siya sa kaibigan.
"Bakit ko gagawin ang ikakasira ng relasyon namin ni Shella? Gagawin ko ang lahat para sa pampagamot niya. Hindi ko na kailangang makipag-date sa kanya para lang kumita ng pera. Kailangan ako ni Shella ngayon, sa kundisyon niya ngayon hindi biro ang kanyang pinagdaanan. Kaya tigilan niyo yang kahibangan niyong dalawa!" Seryoso niyang sagot, naalala ng binata ang sinabi ni Farrah. Kung magtutulungan silang dalawa, kikita na siya doon ng malaking pera.
"Pero seryoso Merced, maari mo nga siyang magamit para sa pagpapagamot ni Shella. Kailangan din natin ng malaking pera sa ngayon. Para makapagsimula ulit, may mga tumawag sa akin kanina. Bago magkatapusan kailangan nila ng mga baril para sa gaganaping party." Sabi naman ni Gideon, napapasingkit na lang ng mata ang binata tumingin siya kay Cornell na kanina pa tahimik.
"Oh bakit? Goods naman yung sinasabi nilang tatlo. Kami na bahala sa pangpagamot ni Shella, wala ka ng problema doon." Umigting ang panga ni Augustus, dahil pinagtutulungan siya ng kanyang mga kaibigan.
"Hindi magbabago ang isip ko, kahit ano pang sabihin niyong apat. Marami pa akong damit pagtuunan ng pansin, kailangan ko pang mahanap ang may gawa nito kay Shella." Pinal na sagot ng binata sa kanilang apat.
Nagkatinginan na lamang sila dahil mukhang hindi nila mapapayag ang binata.
"Ikaw ang bahala, sinasabi lang namin kung anong makakabuti. Tingnan mo noong nawala sila, ang laking pera yung nawala sa atin. Hindi lang nahalata ng iba dahil may mga iba pang katransaksyon." Muling sabi ni Marcus, kailangan nilang makombinsi si Augustus. Wala na silang pagpipilian kundi gamitin si Farrah. Dahil nalaman nilang May parating na mga baril. Pwede nilang isabotahe yon para mapasakanya.
"Maraming paraan para maibalik ang mga nawala. Mga tatlo tao lang yan pwede na tayong makapag simula ulit." Iniisip ng binata ang kalagayan ni Shella, kapag dumagdag pa siya sa problema ng dalaga baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Hindi niya pwedeng isantabi lang kung anong mararamdaman nito, lalo na sa nangyari baka isipin na naman niyang madumi na siya kaya naghahanap na 'to ng bago.
"Pero sa tingin niyo sino ang may ganito nito kay Shella? Siguradong hindi basta-bastang tao lang." Seryosong tanong ni Declan sa kanila.
"Baka isa sa mga kalaban ni Merced, hindi sila makabawi kaya kay pati si Shella damay." Agad namang sagot ni Cornell.
"Pwede din, sino sa tingin mo ang pwedeng gumawa nito?" Tanong sa kanya ni Gideon.
"Wala akong alam na pwedeng gumawa nito, kung talagang kalaban ko sila dapat pinatay na nila si Shella." Muling nagkatinginan ang apat.
"Baka si Miss Fukuda ang nasa likod nito? Ano sa tingin mo?" Tanong ni Marcus sa kanya.
"Tinanong ko na si Farrah tungkol dito. Wala siyang alam sa nangyari."
"Malamang sino bang tànga na aamin sa ginawa niya. Isipin mong mabuti, patay na patay siya sayo nagawa niya ngang paluhurin si Shella at awayin. Kapag ang isang tao desperada, lahat gagawin niya para makakuha 'to." Seryosong paliwanag ni Marcus.
"Walang kinalaman si Miss Fukuda sa nangyari sa akin." Sagot ni Shella kanina pa siya gising ang dalaga. Mas pinili lang niyang nakapikit at nakikinig sa usapan nila Augustus.
Napatingin silang lahat sa dalaga, nanatili namang nakatingin sa kisame si Shella.
"Puro lalaki silang lahat, wala akong narinig na boses babae. Kaya h'wag niyong pagbintangan si Miss Fukuda. Sabihin na nating masama siyang tao, isip niyo kapag ginawa niya yon lalo siyang hindi magugustuhan ni Merced." Dagdag niyang sabi, tumingin siya kay Augustus.
"Saka sabi ni Merced kinausap niya si ang kanyang ama kaya naging okay na ulit? Bakit pinaghihinalaan niyo pa siya?" Muli niyang tanong.
"Naisip lang naman namin siya, dahil wala ng ibang gagawin niyo kundi si Farrah." Agad na sagot ni Marcus.
"Hindi nga si Farrah! Wala siyang alam kaya tumahimik ka na lang!" Sigaw sa kanya ng dalaga na ikinagulat nilang lima.
"Hindi yan magagawa ni Farrah, kahit na ganun ang kanyang ugali. Nakikita ko sa mga mata niyang maya mabuti pa rin siyang puso! Aaahhhhh pero hindi ko alam kung wala nga ba." Halos pabulong niyang sabi sa huli. Kumunot naman ang kanilang noo dahil hindi nila ito narinig.
"Mabuti pang 'wag na nating pag-usapan pa ang nangyari sa kanya." Seryosong sabi ni Augustus bago tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit siya sa dalaga, akmang hahawakan niya ito pero agad na nagsalita si Shella.
"H'wag mo akong hawakan, gusto kong mapag-isa." Seryoso nitong sabi. "Kahit ngayon lang iwanan niyo muna ako dito." Pakiusap niya tumingin siya sa kanyang mga kaibigan. Tumayo na silang apat at isa-isang lumabas ng room ni Shella.
Tumingin muna sa dalaga si Augustus bago naglakad palabas. Nagtataka ang binata dahil bakit kailangan pa niyang lumabas.
Napahagulgol na ng iyak si Shella, gusto man niyang sabihin kung sino natatakot siyang napahamak ang kanyang magulang.
Hindi maalis sa isipan niyang maaring may alam si Farrah dahil ina nito ang may gawa ng lahat. Pero nung marinig niyang kinausap nito si Mr. Fukuda, na walang kahit anong kapalit na hiningi kay Augustus. Doon siya lalong nagtaka.
"Ayoko na ayoko na!" Sigaw niya, napayakap siya sa kanyang sarili.
~~~~
*AUGUSTUS' POV*
~
NAKASANDAL lang ako sa pader habang nakatingin kila Gideon. Nandito kami sa labas ng ospital, nagpapahangin simula kahapon ayaw pa rin akong kausapin ni Shella. Hindi ko alam kung anong nangyayari, sabi ng doctor sa akin wala pa rin siyang nakikitang pagbabago. Iba na din ang kinikilos niya.
Hindi ko na alam ang aking gagawin, nahihirapan siyang tulungan yung sarili niya. Darn it!
"Paparating ang ibang baril mamaya, gusto mo bang makita?" Tanong ni Gideon sa akin, tumango lang ako bilang sagot.
Mamaya na lang siguro ako babalik dito sa ospital. Intindihin ko na lang siya dahil sa kanyang kalagayan.
"Tara na darating na yon maya-maya." Aya ni Gideon, naglakad na kami papunta sa sasakyan. Kay Gideon ako sumakay yung tatlo sa kotse ni Hermida.
"Alam muna ba kung sino ang traydor?" Malamig kong tanong sa kanya habang nasa byahe kami.
"May isa na akong nahuli, ipapadukot ko na ba siya?" Pabalik niyang tanong sa akin.
"H'wag muna sa ngayon, pagmanman mo na lang ang taong yan. Yung mga baril ngayon sa pinapagawa kong bahay mo ipalagay." Malamig kong utos sa kanya.
"Sige maayos na ang underground nun diba? Doon ko na lang ipapatayo." Sang-ayon niya naman.
"Gusto ko ding mag-utos ka isang tauhan para manmanan ang bawat kilos ni Farrah. Dahil kung May kinalaman nga ang babaeng yon, tulad ng kanyang sinabi papatayin ko siya." H'wag niya akong sinusubukan gagawin ko talaga ang bagay na iyon.
"Sige ako na ang bahala sa bagay na yan." Wala ng umimik sa aming dalawa.
Pagdating namin sa lumang building kung saan kukunin yung mga baril. Bumaba na agad ako, nakasunod sa akin yung tatlo si Hermida naiwan sa sasakyan. Wala namang pakialam yan, mas naka-focus siya sa business nila hindi sa illegal na gawain.
"Good evening Mr. Merced." Bati sa akin ng katransaksyon namin ngayon, seryoso ko lang siyang tinignan.
"Nasaan yung mga baril?" Tanong ni Gideon.
"Nandito, pwede niyo ng tignan." Nakangiti niyang sabi, isa-isang binuksan ng kanyang mga tauhan yung attaché case.
"Wala na bang ibang bàril? Akala ko ba marami kang magaganda?" Malamig kong tanong. "May mga ganito na kami, kailangan ng mga buyer namin yung bago." Dagdag kong sabi habang tinitingnan isa-isa yung mga bàril.
"Next week pa darating yung iba kung gusto niyo magkita ulit tayo dito." Tinignan ko siya ng seryoso.
"Alam mong isang beses lang tayong pwedeng magkita dahil baka .ay makatunog. Balak mo bang ilagay kami sa alanganin?" Kita ko ang paglunok ng sarili niyang laway.
"Sig Sauer 1991 at Beretta 92 FS ang kukunin ko, yan lang para naman may malala ka!" Pagkasabi ko yon ay tumalikod na ako at naglakad palabas ng building. Si Carrasco na ang bahala dyan wala din naman palang kwenta na sumama ako.
Paghatid sa akin ni Carrasco sa ospital, agad akong pumunta sa room ni Shella. Pagbukas ko ng pinto ay halos manigas ako sa aking kinatatayuan.
Wala siyang kahit anong saplot sa katawan, nakahiga siya sa kama at nilalaro ang kanyang sarili.
"Shella!" Tawag ko sa kanya dahilan para mapamulat siya, halatang nagulat nang makita ako.
"What fvck are you doing?" Mariin kong tanong bago ni-lock yung pinto baka may ibang pumasok.
Hindi siya sumagot, bumangon ito sa kama at lumapit sa akin tila ibang Shella ang nasa harapan ko ngayon.
"I'm sorry." Mahina niyang sabi sa akin bago ako halikan sa labi. Marahas ang kanyang paghalik sa akin. Hindi ko yon tinugunan, kinuha niya ang aking kamay at hinaplos sa buo niyang katawan. Sobrang init, hindi to pwede agad ko siyang tinulak palayo sa akin.
"I want you Merced, please I want you…" Pagmamakaawa niya sa akin.
"Ano ba Shella! Ano bang nangyayari sayo? Hindi mo dapat ginagawa ang bagay na to!" Seryoso kong sabi sa kanya, nagulat ako ng bigla siyang umiyak.
"Hindi ko alam, para akong mababaliw kahit anong gawin ko hindi pa rin maalis. Hinahanap ng aking katawan ang ginawa nila sa akin. Hindi ko na alam, ayoko ng ganito please tulungan mo ako. Please…" Pakiusap niya sa akin bago muli akong hinalikan. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik.
"Hindi ito tama Shella! Kailangan mong maging matatag labanan mo kung ano man yan! Hindi ko kayang gawin 'to sayo, alam mo kung gaano kita nirerespeto." Tila natauhan siya sa aking sinabi, tinalikuran niya ako at lumayo.
"Patawarin mo ako, hindi ko na kilala ang aking sarili. Kasalanan nilang lahat ng ito, binaboy nila ako ng paulit-ulit wala silang awa!" Napahagulgol na naman siya ng iyak.
"Sinira ng babaeng yon ang buhay ko!" Sigaw niya nagulat naman ako.
"Sino babae? Sabihin mo sa akin Shella! Sinabi mo kahapon puro sila lalaki, bakit ayaw mong magsalita!?" Tanong ko sa kanya, umiling iling siya habang umiiyak.
"Hindi ko kayo pababayaan, walang mangyayaring masama." Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.
"Mawawala sayo ang lahat, hawak nila ang mundo Merced hindi ko kayang pati ikaw madamay. Di bali ng ako na lang ang naghihirap!"
"Hindi ko kayang nakikita kang ganyan, para na akong mababaliw Shella. Hindi matatapos ang paghihirap mo kung hindi ka magsasalita! Kaya sabihin mo sa akin ang totoo! Si Farrah ba ang may gawa nito? Siya ba Shella magsalita ka!!" Sigaw ko sa kanya, kung wala akong gagawin mananatili siyang ganyan. Paano na lang kung ibang tao ang pumasok wala na!
"Walang kinalaman si Farrah dito, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo!" Ganting sigaw niya sa akin.
"Bakit ayaw mong sabihin kung hindi siya? Paano kita matutulungan?" Sunod-sunod kong tanong huminga siya ng malalim.
"Sasabihin ko sayo pero, h'wag kang gagawa ng pwedeng maging dahilan para lalong malagay sa panganib ang buhay namin. Ang nagpadukot sa akin walang iba kundi si Mrs. Fukuda, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Siya ang sumira sa buhay ko, ginahasa ako ng mga tauhan nila hinayaan niyang gawin nila yon sa akin. Ang ina ni Farrah ang May kasalanan, papatayin niya sila mommy tulungan mo ako Merced…" Halos mamaos na siya kakasigaw, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Ang ina ni Farrah, humanda kayong lahat hindi man ako makakaganti sa'yo. Ang anak niyong si Farrah, siya yung magdurusa sa ginawa mo!
~ITUTULOY