Fated To Love My Man

228 Words
    KAILANMAN ay hindi natin kayang talikuran ang itinakda ng tadhana. Umiwas ka man ng paulit-ulit, babalik at babalik ka pa ren sa kung saan ka nararapat.      Bakit nga ba niya pinipigilan ang tadhana niya?     Ang totoo, masaya siya. Masaya siya sa gustong mangyari ng panginoon sa kanya. Masaya siya sa lalaking gusto ng panginoon na mahalin niya ng higit pa sa sarili niya.     Ngayon handa na siyang tanggapin ang tadhana niya. Ang tadhana niya na mahalin si Sebastian Villamor, kahit maging kapalit lahat na meron sya ngayon. Handa na syang talikuran ang lahat.          HINDI alam ni Sebastian kung paano niya maseseguro na hindi siya iiwan ni Riyen, anuman ang mangyari. Noon, ginawa niya ang lahat kay Rio. Halos sambahin niya ang dalaga. Lahat ibinigay niya dito, sinunod niya anuman ang naisin nito para lang hindi sila magkasira. Naging masunurin siya sa lahat ng gusto nito. At ang pinakamasakit sa lahat ay iginalang niya ito sa loob ng limang taon nilang relasyon. Pero anong ginawa nito sa kabila ng pagiging mabuti niyang kasintahan dito.     Alam niya sa sarili, napakatidi ng nararamdaman niya kay Riyen. Higit pa sa sampung ulit ng pagmamahal na ibigay niya kay Rio noon. Kaya hinding-hindi niya mapapayagan na mawawala ito sa kanya. Seseguraduhin niya na sa kanya lang iikot ang buhay ni Riyen, siya lang ang tanging lalaki na magmamay-ari rito. Bubusugin niya sa pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD