My Man in His Suit

2156 Words
    NAGLULUKSA ang Sabrina's Clothing Line sa biglaang pagkawala ng may-ari nito. Si Sabrina Rivas, ang nagsilbi niyang mentor at second mother. Ito ang naging inspirasyon niya para ituloy ang pangarap niya, para magkalakas ng loob na sundin ang gusto ng puso niya.      Nakilala niya si Sabrina Rivas ng umattend siya ng fashion show, kasama niya ang kuya Rake niya ng dumalo siya. Pero dahil negosyo ang dahilan ng pag-attend ng kapatid niya, iniiwan sya nito sa upuan para makipag-usap sa mga katulad nitong negosyante. Isinama lang siya ng kapatid bilang paghahanda sa nalalapit niyang pagpasok sa kompanya nila. Inihahanda na siya ng papa at mga kapatid niya. Maswerte si ate Rio dahil natupad nito ang pangarap na maging doktor. Siya ay mahina ang loob para sabihin sa papa niya na gusto niyang maging fashion designer.      Pero ang pagkakakilala nila ni Sabrina ang nagbigay ng lakas ng loob upang ituloy ang pangarap niya. Hinikayat siya nito na sumama sa Paris para sa isang International fashion show. Doon nagsimula na tuparin niya ang mga pangarap niya. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin sa papa niya ang plano niya. After graduation from college ay may naghihintay na dapat na position sa kanya sa RA foods industries. Pero pinili niyang bumalik ng Paris para kumuha ng 1-year crash course sa Fashion Designing.     After one year ng pag-aaral sa Paris ay pinili niyang magtrabaho sa Sabrina's Clothing Line. Noong una ay nagalit ang papa niya sa gusto niyang gawin, pero sa huli ay pumayag din ito dahil sinuportahan sya ng mama at mga kapatid niya. Maraming pagkakataon pa rin na hinihimok sya ng mga magulang at kapatid na lumipat na sa RA foods industries, pero nanninindigan sya sa gusto niyang gawin. At sa loob ng mahigit tatlong taon ng pagtatrabaho nya sa Sabrina's clothing line ay tunay na naging masaya siya, dahil mahal niya ang trabaho niya.     Ang totoo ay nag-iipon na rin sya ng puhunan upang makapagsimula ng sarili niyang clothing line. At suportado siya ni Sabrina sa mga plano niya.      Ang pagkawala ni tita Sabby ay isang malaking kawalan sa kanya, ngunit katulad ng palagi nitong sinsabi sa kanya kailangang ituloy ang buhay anuman ang pagsubok na dumating.     Simula noong makilala niya si tita Sabby sa idad nitong 52 years old  ay wala itong binanggit na sinuman sa miyembro ng pamilya nito. Basta ang alam nya lang ay patay na ang magulang nito, Mayroon itong nag-iisang kapatid na lalaki, na hindi nito nabanggit kung sino. Kahit noong mamatay ito ay hindi nila nakuhang makipaglamay dahil kinuha ng kapatid nito ang katawan nito, at hindi nila alam kung saan inilibing.     At ngayon ang araw, pagkatapos ng dalawang linggong pagluluksa ay kailangan nilang harapin ang bago nilang boss, ang pamangkin ni tita Sabby. Ang nagmana ng lahat ng ari-arian ni Sabrina Rivas. Hindi nila alam kung ano ang mga plano nito sa kompanya. Kung sakali na pipiliin nitong ibenta ang kompanya, ay gagawa siya ng paraan na siya ang makabili nito. Kahit seguro mangutang sya sa mama at papa niya, o kaya sa mga kapatid niya.     KAILANGAN niyang harapin ang lahat ng iniwan sa kanya ni tita Sabby. Close sila ng tita niya pero madalang pa sa patak ng ulan kung magkasama sila. Una pareho silang busy sa kanya-kanyang negosyo. Pangalawa ayaw nitong malaman ng papa niya na nagkikita sila. Kapatid ito sa ina ng papa niya, alam niya noong una ay hindi ito tanggap ng papa niya pero dahil mabait ito at malambing sa papa niya ay natanggap na rin ng papa niya. At seguro para na rin sa katahimikan ng loob ng lola Beatrice niya,       Pero sa pagdadalaga nito nakilala nito si Alfonso, isang lalaking hindi gusto ng papa niya para sa kapatid nito. Tinutulan ng papa niya ang relasyon ng mga ito pero hindi nakinig ang tita niya, sumama ito kay alfonso. Lumayo ang dalawa, pinatunayan ang pagmamahalan nila. Ngunit sa huli ay nalaman din ng tita niya ang totoo, pera lang ang habol ni Alfonso sa kanya. Ngunit ng dahil din sa nalaman ng tita niyang totoong motibo nito ay naaksidente sila. Namatay si Alfonso, at pati ang bata sa sinapupunan ng tita niya ay nadamay.     After makarecover ni tita Sabby sa trahedya sa buhay nito ay pinili nitong lumayo sa pamilya nila. Hindi ko alam kung nahihiya ito sa papa niya, o nagagalit ito? At dahil sa paglayo nito ay pinili na lang ng papa niya na iwasan na rin ito, ngunit hindi niya pinabayaan ang kapatid sa pinansyal na aspeto. Binigyan ito ng papa niya ng bank account, at doon inihuhulog ng papa niya ang sustento nito bilang kapatid.     Nabalitaan na lang nila na nagsimula ito ng negosyo, katulad ng matagal na nitong hilig ang pagdedesenyo ng mga damit. At unti-unti nakita nilang bumalik sa normal ang buhay nito, pero kailanman ay hindi na ito nakipagrelasyon sa ibang lalaki.      At ngayong wala na ang tita niya, ay kailangan niyang ayusin ang mga iniwan nito. Uunahin niya ang kompanya nito, at saka isusunod ang mga ari-arian nito na lahat ay sa kanya ipinamana ng tiyahin. Gusto nya munang makita ang kompanya bago niya planuhin ang mga hakbang at desisyon na gagawin niya. Bilang negosyante, mas mahalaga sa kanya ang kikitain at gagawing pagpapatakbo sa kompanya, ngunit kapag naiisip niya ang tita Sabby niya ay tiyak na kokontrahin sya nito. Alam niya, base sa ilang pagkakataon na nagkasama at nagkausap sila ay ibinigay na nito ang buhay at puso nito sa Sabrina's clothing line. Pamilya ang turing nito sa mga empleyado nito, lalo na pinagkakatiwalaan nito na Riyen ang pangalan. Titingnan muna niya kung ano ang magagawa niya.     Nasabihan na niya ang abogado ng tita niya, naiparating na nito sa mga empleyado ng tita niya ang pagdating niya.     BAGO siya lumabas ng opisina ni tita Sabby ay muli niyang sinulyapan ang malawak at malinis na silid. Ang opisina kung saan binubuo nila ang maraming ideas para sa patuloy na pag-unlad ng Sabrina's clothing line. "Tita Sabby, i miss you so much!" hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Kapag tinatawag niya itong tita Sabby ay naaalala daw nito ang pamangkin nitong si Sebseb, dahil pareho daw ang tawag nila rito.      Ngayon ay iba na ang gagamit ng opisina nito. Hindi niya alam kung muli pa ba niyang makikita ang opisina. Ipinagdarasal niya na sanay kasingbuti rin ni tita Sabby ang pamangkin nito.     Bumalik na siya sa opisina niya, mahirap na maabutan pa siya ng bagong may-ari.      PINILI ni Sebastian na unang puntahan ang opisina ng tita niya, bago harapin ang mga executive ng kompanya. Kaya pinaderetso niya ang elevator sa seventh floor, sa halip na sa sixth floor. Palapit pa lang sila sa pinto ng opisina ng tita niya ay nakita na niya ang paglabas ng isang babae na nagpupunas ng luha. Saglit na natigil ang paglakad nila ni attorney Mendez, tiyak na hindi sila napansin nito dahil abala ito sa pagpupunas ng mga luha nito. Kahit sa malayo ay kita niyang magandang babae ito at bata pa. Kita sa hubog ng katawan nito ang kaseksihan kahit na desente pa ang suot nito.      "Heto seguro ang paboritong empleyado ni tita Sabby!" bulong niya sa sarili.     "Si Riyen yan!" wika ni attorney Mendez " siya ang pinagkakatiwalaan ng tita mo, parang anak kung ituring yan ng tita mo!" dagdag impormasyon pa nito.     "Saan siya papunta?" tanong niya "akala ko ba ay okupado ng opisina ni tita ang 7th floor?"     "Ang design team ay dito rin nag-oopisina sa sevent floor, dahil iyun ang gusto ng tita mo!" paliwanag ng abogado " Si Riyen ang head ng design team, at meron siyang limang tauhan na kasama sa team."     "Gusto kong makausap ng pribado ang pinagkakatiwalaan ng tita ko!" utos niya kay attorney Mendez.     "Sige po sir, masusunod po!" mabilis na tugon nito.     "After mo syang maihatid sa pinto, ay bumaba ka na sa sixth floor para hindi maghintay ng matagal ang empleyado!" pahabol pa nitong utos sa abogado.     "Sige po sir!" magalang na tugon nito.     Marahan niyang binuksan ang pintong nilabasan ng dalaga kanina. Malawak ang opisina ng tita niya. Kahit sampung empleyado ay magkakasya sa silid para mag-opisina. Nakasabit ang life-size portrait ng tita niya, napakaganda nito sa red dress na suot nito. Actually female version ito ng papa niya, at dahil kamukha siya ng papa niya ay magkamukha rin sila ng tita niya.     Nilapitan niya ang table ng tita niya, napakalinis ng table nito halatang kahit wala na ito ay naaalagaan pa ren. Saglit siyang naupo sa swivel chair nito. Ramdam niya ang presensya ng tita niya.      Nilapitan niya ang malaking bintana sa likod ng upuan nito, kitang-kita ang paligid  mula sa kinatatyuan niya.          MARAHAN katok ang ginawa ni Riyena bago pumasok sa silid. Mukhang hindi narinig ng pamangkin ni tita Sabby ang pagkatok niya.      Para itong isang hari habang pinapanood ang tanawin sa labas, kahit nakatalikod ay kita niyang malaking lalaki ito. Napakadesente nitong tingnan sa suit na suot nito. Kita rin na malaki ang katawan nito. Hindi niya alam kung paano kukunin ang atensyon nito ng hindi nito mamasamain. Ipinadyak niya ang kanang paa niya para gumawa ng ingay.     Dahan-dahan ang naging paglingon nito. Hindi niya inaasahan na sobrang gwapo pala ng pamangkin ni tita Sabby. Napakalinis pa nitong tingnan sa Suit na suot nito. at kahit seryoso ang mukha nito ay pogi pa ren ito at parang ambango-bango nito.  Pero alam niyang sa idad ng lalaki ay tiyak na may pamilya na ito katulad ng kuya Ramon niya.      "Ikaw ba si Riyena?" tanong ni Sebastian. Hindi niya inaasahan na ganito pala ito kaganda ang dalaga.      "Yes sir, ako nga po!" Iniabot nito ang kamay tanda ng pagbati sa kanya.     Iniabot niya ang kamay nito " ako si Sebastian Villamor, ang pamangkin ni Sabrina Rivas!" pagpapakilala niya.     "Sebastian Villamor!?" nabiglang wika ni Riyena " Kuya Basty?" hindi makapaniwalang wika nito na humigpit pa ang hawak sa kamay ng binata.     "Yes! Do I know you?!" nalilitong wika ni Sebastian, pilit kinikilala ang kaharap. Saan ba niya ito nakilala? hindi niya matandaan.      Hindi pa nakontento ang dalaga sa mahigpit na pagkamay sa kanya. NIyakap siya nito ng mahigpit na para bang matagal na silang magkakilala. Hindi niya tuloy alam kung yayakapin rin niya ito. Nagpipigilan lang siya sa sarili niya, pero gusto niya ring yakapin ang dalaga ng mahigpit at ihiga sa sopa na nasa malapit lang. Pero bago pa niya nagawa yun ay bumitiw na ang dalaga, na tila ba naexcite lang. Kita nya na nahiya ito sa ginawang pagyakap sa kanya.     "Hindi mo na ba talaga ako natatandaan kuya? ako si Yenyen, kapatid ni Kuya Rake at ate Rio!" nag-aalangan pang pagpapakilala nito.      Hindi niya inaasahan na ito na pala si Yenyen, ang bunso ng mga Agoncillo. Malabo niya itong makilala kung hindi ito nagpakilala sa kanya. Ang laki ng pagbabago nito. Oo, alam niyang maganda na ito kahit noon pa pero hindi niya akalain na lalaki itong sobrang ganda, kahit ang kutis nito ay higit pang naging maganda kumpara sa ate Rio nito. At ang katawan sobrang sexy, papasa itong modelo ng mga damit na ginagawa ng kumpanya ng tita niya. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito, kailan pa siya nagkaganito? Kailanman ay hindi niya pinagsasama ang bussiness at pleasure. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. ayaw na ayaw niya ng nasasamahan ng kahit ano ang negosyo.     Pilit niyang tinanggal ang agiw na sumasaklob sa utak niya. Mali na pag-interesan niya si Riyena, kuya pa naman ang tawag sa kanya.      Hindi niya dapat kalimutan si Riyena, ito ang tanging miyembro ng pamilya Agoncillo na hindi nagsinungaling at nanloko sa kanya. Ito rin ang tanging tao na nagbigay ng liwanag sa napakadilim na pangyayari sa buhay niya noon.     "Ang laki ng pinagbago mo, hindi kita nakilala!" pinanatili niyang seryoso ang mukha niya. Nasanay na sya sa ganoon. Masaya man o malungkot, seryoso lang sya palagi.     "Hindi ko alam na ikaw pala ang pamangkin ni tita Sabby!" excited pa ren ito sa pagsasalita pero dumistansya na ito sa kanya.     Tango lang ang naging tugon niya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang sasabihin nya, nauubusan sya ng sasabihin. Nilalamon ang utak niya ng mga gusto niyang gawin sa dalaga.     "Maigi pa ay lumabas ka na! sabihan mo si attorney Mendez na paghandain na ang lahat, bababa na rin ako para makilala ko ang lahat ng empleyado dito!" seryosong wika niya dito.     Mukhang noon lang napansin ng dalaga ang seryoso kong pakikitungo, kaya biglang napalis ang mga ngiti nito. "Sige po sir, bababa na po ako!"     Mabilis na itong lumabas ng silid. Para siyang nakahinga ng maluwag sa pagkawala nito sa paningin niya. Para syang mababaliw habang kaharap niya si Riyen kanina, pilit niyang nilalabanan ang sarili niya.     Nagpalipas lang siya ng sampung minuto at sumunod na rin siya sa meeting room. Naging maayos ang pagpapakilala ng mga empleyado sa kanya. Kita niya ang pagmamahal ng mga ito sa namayapa niyang tiyahin.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD