Between My Man and His Child

200 Words
    Kung siya lang ay kaya niya, pero kapag pala ina ka ay iba na. Kaya niyang ipagwalang-bahala ang sarili, maseguro lang niya na masaya at komportable ang mahal niya. Lahat kaya niyang ibigay kay Sebastian noon. Ibang usapan na pala kapag hindi lang kayong dalawa ang involved.      Marahan niyang hinimas ang pipis pa niyang tiyan. Natatakot siyang maging ina.      Akala niya noon, magiging masaya na rin sya basta masaya si Sebastian. Pero nagkamali siya, pinipilit na lang niyang maging masaya para hindi ito mag-alala. Natatakot siya na pagdudahan nito ang pagmamahal niya. Mahal na mahal niya si Sebastian pero  bakit ganoon ang nararamdaman niya?      Sapat na ang mga nalaman niya para magdesisyon sya na tapusin na ang paghihirap niya sa piling ni Sebastian. Pasalamat na lang siya at narinig niya ang lahat ng sinabi ng asawa sa ate Rio niya.      Ang kuya Rake lang niya ang tanging pag-asa niya para matakasan ang buhay niya ngayon. Ayaw niyang dumating ang araw na magsisi sya dahil wala man lang siyang ginawa para maging maayos ang buhay nilang mag-ina. Alam niya na ang gagawin niyang paglayo ay pagtalikod sa sinumpaan niyang pangako sa asawa na anuman ang mangyari ay hindi niya ito iiwan.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD