Chapter 14

1032 Words
-Lucas Ngayon na ang araw ng operasyon ni Mat at umaasa kami na magiging maayos ang lahat. Andito kami ni Mommy at ang mga kaibigan namin ni Mat. "Mat. Kaya mo yan, okay? Maghihintay kami sa 'yo dito. Andito lang kami," sabi ko sa kanya habang hawak ang kamay niya. Ngumiti siya sa'kin. "Salamat Kuya," sagot niya. "Anak, maghihintay kami dito ha. Maghihintay kami," sabi ni Mommy "Opo mom," "Tol. Pagpipray ka namin. Andito lang kaming lahat para sa'yo. Magpagaling ka dahil tatapusin pa natin ang nasa checklist mo," sabi naman ni Lee. "Pasensya na po kayo pero kailangan na po namin simulan ang operasyon. Hindi na kami mag-aaksaya ng oras dahil lalong bumababa ang immune system niya. Baka hindi na kami umabot," sabi ng Doctor na kakapasok lang sa loob. Agad naman na lumabas kami. Pero bago pa ako tuluyang lumabas at bago pa rin nila isara ang pintuan ng room ay may sinabi si Mat. "Ikaw na ang bahala Kuya." Nagulat ako sa narinig ko sa kanya. Sasabihin ko sana na wag niyang sabihin 'yon dahil magiging maayos pa ang lahat pero sinara na nila ang pinto. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Naghintay lang kami sa labas ng room. Lahat kami nag-aalala. Walang nagsasalita. Umaasa na magiging maayos lang si Mat. Medyo matagal na oras na ang nakakalipas at lumabas ako ng ospital. Hindi ko kaya! Sa labas, napapikit ako at napayuko. Nagdasal ako. "Panginoon. Pakiusap. Kung totoo ka man katulad ng sinasabi ng kapatid ko. Pwede bang Iligtas mo siya? Wag mo siyang biguin. Tulungan mo sana kami dahil naniniwala siya sayo. Hayaan mong makasama pa namin siya. Ayokong mawala ang kapatid. Hindi pa sapat ang panahon na nakasama ko siya. Hindi pa. Pagbigyan niyo sana ako. Hindi ngayon, hindi kahit kailan. Umaasa kami. Naghihintay kami. Paulit ulit kaming magdadasal. Pakiusap. Pakiusap po. Wag muna! Wag muna ngayon! Please. Ang bata pa ng kapatid ko. Hindi pa kami handa. Pagalingin niyo ang kapatid ko. Pakiusap?" Anduon lang ako sa labas ng matagal na oras. Hindi ko mapigilan ang sakit sa dibdib ko. Nadudurog ako. Alam kong hindi ko hawak ang buhay ni Mat, alam kong wala akong kakayahan na iligtas siya. At alam ko sa mga oras na 'yon, pwedeng mawala ang kapatid ko. "Mat?" nagulat ako ng tinawag ako ni Lauren. "Kailangan mo ng bumalik," sabi niya habang umiiyak sya. "Anong nangyari Lauren?!" hindi siya sumasagot at pinipilit na punasan ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Bakit?! Anong nangyari kay Mat? Mabilis akong bumalik kung asan sila. Malayo palang ay naririnig ko na ang hagulgol ni Mommy. Kumirot ang dibdib ko ng lapitan nya ko. "Anak." sabi niya na basang basa ng mga luha ang mata. "Wala na si Mat. Wala na ang kapatid mo," biglang tumahimik ang palagid ko. Parang naging blangko ang isipan ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Hindi! Hindi yan totoo! Kahapon lang napakasaya niya! Ang lakas pa niya! Ang saya lang natin kahapon 'di ba?! Wag niyo 'kong lokohin ng ganyan! Papasukin niyo 'ko! Siguradong buhay pa si Mat!! Mat!!!" sigaw ko na parang wala na ko sa sarili. Gusto kong makita si Mat! Gusto ko! "Tol?!" "Kuya Lucas?" pinigilan ako ni Aeron at Lee na luhaan na rin. "Bitawan niyo ko! Tol bitawan niyo ko!!" galit na sabi ko. "Tama na tol. Please!" pigil sakin ni Lee. "Ano?!! Ganon na lang 'yon?!! Ha?! Ganon na lang ba 'yon kadali!!" Galit ako! Galit ako pati sa sarili ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko at si Mom. Nasasaktan kami sa lahat ng nangyayari. Wala, wala kaming kayang gawin kung 'di umiyak! Walang nagsasalita, puro iyak lang ang naririnig ko. Tumakbo ako palabas. Sobrang sakit! Sobrang sakit. Mat! Bakit naman ganon?! Bakit?! Biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Lucas?" si Lauren at kasama niya si Aeron. "Umalis muna kayo. Ayokong may makita o makausap na kahit na sino!" galit na sabi ko. Nakiusap naman ako, nagmakaawa naman ako. Pero bakit ganon?! "Kung binabalak mong sumunod kay Mat. Andito kami. Wag mong kakalimutan yan," sabi ni Lauren. Tumingin ako sa kanya. "Hindi nyo naiintindihan! Hindi! walang nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon! Sa tingin niyo ba ganon na lang kadaling tanggapin ang lahat?! Hindi! Durog na durog ako!" sabi ko habang tinuturo ang dibdib ko. Sobrang sakit! "Alam ko. Alam kong itong nararamdaman namin, walang wala to sa nararamdaman mo ngayon Lucas. Pero maniwala ka sana. Lahat kaming nagmamahal kay Mat, lahat kami nasasaktan din katulad mo kaya wag mong isiping ikaw lang ang nasasaktan dahil hindi yan totoo! Isipin mo rin kami! Nasasaktan din kaming nakikita kang nagkakaganyan! Kailangan ka namin Lucas! Kailangan ka ng Mommy mo," sabi ni Lauren. "Tol, andito lang kami." tinawag ako ni Aeron pero hindi ko sila pinansin. Naglakad na ko palayo sa kanila at hindi na din nila ako sinundan. Siguro nga, siguro nga tama si Lauren. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maglalakad ako sa ulanan hanggang mapagod ang katawan at mga paa ko. Dito na lang ako sa ulan, magpapanggap na wala akong luha, na hindi ako nasasaktan. Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako. Dumiresto ako sa kusina at kinuha ang alak na nasa loob ng ref. Lumabas ako ng bahay at doon ko iyon ininom. Wala akong pakialam kung ano o sino pa ang makakita sa'kin. Wala akong pakialam! Muli, pumatak na naman ang luha ko. Binuksan ko ang alak at iniinom ito. Nagpakalasing ako hanggang sa umikot ang paningin ko. Humiga ako at ipinikit ang aking mga mata. "Mat, ang daya mo naman!" patuloy sa pagpatak ang luha ko. "Hindi ka muna sana umalis. Hindi ka muna sana nagpaalam dahil hindi mo alam kung gaano ako nadudurog ngayon. Hindi mo alam kung gaano mo na rin ako pinapatay Mat!" pinunasan ko ang mga luha ko pero parang ayaw nitong huminto. "Mat, kung andyan ka man. Pwede mo na kong isama. Please isama mo na ko." Itinaas ko ang kamay ko, "Hilahin mo lang ako kung asan ka man," ngunit walang sumagot. Walang kahit na ano akong naramdaman. Okay lang. Ayos lang. Hahayaan ko na lang pumatak sa akin ang ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD