-Mat
Handa na ang gagawin namin paghihinganti. Planado na ang lahat. Para kaming nasa secret mission ni Lee. Babawian namin si Tristan sa pagtapon n'ya ng buong gamit ni Lee sa bangin sa gilid ng paaralan.
Sobrang lala n'yon dahil hindi na namin nakuha ang mga gamit n'ya. Kinailangan n'ya pa tuloy magsimulang magsulat ulit ng mga pinag-aralan namin. Mabuti at dalawang notebook lang ang laman n'yon. Maliban doon ay kailangan ko ring gumanti dahil sa ginawa n'ya sa sapatos ko. Nilagyan n'ya ng maraming insekto kaya namaga ng dalawang araw ang paa ko. Hndi kami papayag na walang ganti. Mausisa naming pinlano ni Lee ang lahat. Meron kaming hanggang Plan C kung sakaling puro palpak ang resulta. Pero 'wag naman sana. Guguluhin namin ni Lee ang party. Sa Big Screen sa harap ng maraming bisita, ipapalabas namin ang lahat ng hindi kanais-nais na mga litrato ni Tristan. Siguradong magtatago sya sa kahihiyan na mararanasan nya ngayon. Mga stolen shot namin ni Lee sa kanya. Mga picture n'ya noong pina squat sya sa labas ng classroom, pinaikot sa field, nadulas sa hallway, pinagalitan ng teacher, nanuntok ng kaklase at marami pa.
"Handa kana ba?" tanong ko kay Lee.
"Ang tunay na mandirigma ay handa sa lahat. Ikaw handa kana ba?" tanong n'ya sa'kin. Handa na nga kami. Ngumiti ako.
"Ang tunay na mandirigma ay handa sa lahat," sagot ko habang tinitingnan kung may tao sa paligid.
Lumabas sa studio ang operator ng pinapalabas sa big screen. Ito na. Papasok na kami ni Lee at papalitan ang pinapalabas dito. Mabilis lang 'to. Mga sampung minuto kung hndi magkakaproblema.
"Mat, mag-abang ka d'yan. Senyasan mo agad ako pag may papunta dito, okay?" bilin nya sa'kin.
"Okay Lee. Basta bilisan mo lang para hindi tayo mahuli," sumaludo s'ya sakin at pumasok na sa loob.
Habang naghihintay ako kay Lee, nakaramdam ako ng hindi maganda sa katawan ko. Kaninang umaga naramdaman ko na 'to pero nawala rin kaya naman hindi ko na pinansin. Pero ngayon bigla akong nahilo. Sobrang hilo. Sobrang nakakasuka. Mabilis akong kumatok sa pinto para tawagin si Lee. Lumabas naman s'ya agad.
"Mat, konti pa. Mga limang minuto. Nagkaproblema bigla sa loob. May papunta na ba?" sabi nya habang nagpupunas ng pawis.
"Lee. Itigil mo muna yan. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Nahihilo ako," sabi ko habang nakahawak ako sa ulo.
"Ah, teka! San tayo pupunta? Halika, umupo muna tayo doon Mat," inaakay n'ya ako papunta sa malapit na upuan.
Pakiramdam ko naikot ang paligid ko. Sobrang bigat. Wala akong naiintindihan Wala na 'kong naririnig. Tuloy lang sa pagsasalita si Lee pero hindi ko na kaya. Hanggang sa tumumba ako.
"Mat! Bangon! Mat! Gising Mat!" natatarantang sabi ni Lee. At sumunod na alam ko ay maraming tao sa paligid ko. Nagkakagulo sila. Nakita ko si Lee sa tabi ko at si, Tristan? Tinutulungan nila ko. May sinasabi sila pero wala kong naiintindihan, wala akong naririnig. Nakita ko din si Kuya Lucas na tumatakbo papalapit sa'kin. Hindi ako makagalaw hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
Umaga na ng magising ako at nalaman ko ang balita. May cancer ako. Ang husay! Napakagandang balita. Mas may lalala pa ba rito? 16 years old na may taning na ang buhay. Madami pa kong pangarap.
Pangarap ko pang maging guro. Wag naman! Malapit ko ng makita si San Pedro o kung mas masama pa si Lucifer sa dami ng kalokohan na ginawa ko. Hindi na siguro nakakapagtaka 'yon.
Nasa ospital pa rin kami. Wala si kuya, pumasok. At si mom naman ay nagliligpit ng mga gamit. Nagulat s'ya ng makitang gising na ako.
"Anak! Kamusta ka? Ok ka lang ba? Nagugutom ka ba?" tanong n'ya sa'kin.
"Hindi po," maikling sagkt ko at hind na s'ya nagsalita ulit. Niyakap nya lang ako ng mahigpit.
Namamaga ang mata nya. Siguradong iniisip nya ang kalagayan ko pero ayaw n'ya lang magpakita na mahina s'ya dahil s'ya na lang ang kinakapitan namin ni Kuya. Alam kong hindi na dapat akong magtanong pa. Nakakahiya! Problema na lang lagi ang dala ko. Nagiguilty ako. Wala s'yang ibang ginawa kung hindi mahalin kami tapos ganito yong mangyayari.
Nagsabi ako na gusto ko ng umuwi. Tinanong n'ya ako kung kaya ko na raw ba at sinabi ko naman na kaya ko. Mabuti at pinayagan naman kami ng Doctor.
Pag-uwi sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto. Sinabi kong magpapahinga muna ako. Ayoko talaga sa ospital. Hindi ko alam, pero wala akong tiwala sa mga Doctor. Mabuti na lang at umuwi na kami. Pakiramdam ko ligtas talaga ko rito sa bahay.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Napabaling ako sa gilid ng lamesa ko. Nakita ko ang isang libro. "Looking for Alaska" paborito ko ang librong ito ni John Green. Regalo sakin 'to ni kuya noong birthday ko.
Mahilig akong magbasa, kaya sobrang nagustuhan ko ito. At sa ilalim nito, isang notebook. "Create Your Future" nakalagay. Kasama din 'to sa binigay n'ya nung birthday ko. Binuklat ko ito. Walang laman, kahit na ano. Walang laman. Bakit kasi notebook? Mahilig akong magbasa pero hindi ako mahilig magsulat. Kung Gameboy o kaya Basketball ang binigay nya, e di sana lumang luma na yun kakagamit ko. Ni hindi ko nga ata hinawakan 'tong notebook pagkabigay n'ya. Binalik ko ito sa lamesa at kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog.
"Katie, don't cry I know, you're trying your hardest and the hardest part is letting go of the night we shared.."
Naisip ko, ano kayang pakiramdam kung nasa langit kana? Sa langit kaya talaga ako? Sana. Sinabi nila na maganda daw doon. Walang sakit, walang paghihirap, walang pagdurusa. May mga anghel daw doon na babantayan ka. Walang katapusan kasiyahan at walang kamatayan. Kahit walang patunay, pinaniwalaan nila 'yon, at ako rin. Hindi ko alam kung san 'yon. Pero naniniwala akong meron nun at alam kong masaya doon. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpatuloy sa pakikinig sa kanta.
"Mat! Mat!" nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ko. Nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan ang oras. 6:45 na ng gabi. Nagpupunas pa ko ng mata ng binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng makita kong umiiyak si mommy.
"Mom, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Si kuya Lucas mo.." pinutol n'ya ang sinasabi n'ya.
"Bakit Mom?! Sabihin nyo! Anong nangyari kay kuya?!" hinawakan ko s'ya sa balikat n'ya dahil hindi s'ya kumakalma.
"Ang kuya mo, nasagasaan."