Chapter 10

1597 Words
Inangat ni Maureen ang telephono at magalang niyang tinanong kung sino ang nasa kabilang linya at kung ano ang kailangan ninto? Ngunit hindi pa siya nakakatapos sa pagsasalita ng pagalit na sumagot ang babaeng boses mula sa kabilang linya. Sino kaba para tanungin ako kung anong kailangan ko? tumawag ako para makausap ang amo mo kaya pwede ba tigilan mo na ang katatanong at tawagin mo nalang ang amo mo para makausap ko! mataray na salita ng babae mula sa kabilang linya. Sa narinig niya ay napakibit palikat nalang siya at saka nagmamadaling tinungo niya ang hagdan upang puntahan ang kuwarto ni Glazer. Pagtapat niya sa kuwarto ni Glazer ay agad siyang kumatok. Tok..tok..tok.. katok niya sa pinto saka sabay tawag niya ng malakas sa pangalan ninto. Sir may tumawag po sa landline. Gusto ka daw pong makausap. Sa boses niyang pasigaw mula sa pinto. Agad naman binuksan ni Glazer ang pinto ng marinig niya ang pa sigaw na boses ni Maureen. Bakit ka ba sumisigaw? Hindi naman ako bingi para hindi ko marinig ang boses mo. Naiirita niyang bungad pagbukas niya ng pinto. Anu.. po kasi sir may tumatawag po sa landline hinahanap ka po. Sagot niyang nauutal dahil sa pakiramdam niya ay masasaktan nanaman siya ninto dahil sa ginawa niyang pag-sigaw. Sino ang tumawag at bakit ako hinahanap? Tanong niya kay Maureen na may diin sa boses niya. Hi-hindi ko po sir alam kung sino po iyong babaeng tumawag basta ang sabi po niya ay ikaw daw po ang gusto niyang makausap kaya po hindi ko na po tinanong ang pangalan niya. Sagot niya kay Glazer na kinakabahan. Bobo, tanga ka talaga! Bakit hindi mo tinanong bago mo ako tinawag? Pabulyaw na salita niya kay Maureen. Sorry po sir. maluha luhang paghingi niya ng tawad kay Glazer. Naririndi na ako sa kakasabi mo ng sorry, wala kanang ginawang tama puro nalang kapalpakan ang alam mo. Galit niyang sagot kay Maureen, saka tinalikuran na niya ito para bumababa sa sala upang kausapin niya ang sinasabi nintong babaeng tumawag sa landline. Pagbaba niya ng sala ay agad niyang tinungo ang kinalalagyang ng telephono, saka mahinahon ang boses niyang tinanong kung sino ang nasa kabilang linya. Hellow sino ito? At bakit mo ako hinahanap? Mahinahon na salitani Glazer. Hi! Ikaw na ba iyan darling salamat naman at hindi kapa ng palit ng number sa landline mo! Maarting salita ni Olga mula sa kabilang linya. O – Olga ikaw ba iyan? Naguguluhang tanong ni Glazer sa kausap niya mula sa kabilang linya. Oww! Yes darling hindi ka parin nagbabago kilala mo pa rin ang boses ko? sagot ni Olga kay Glazer sa malambing na boses. Why did you call me? Tanong niyang may pagkainis. I called you today because you didn’t talk to me yesterday. Maarting sagot ni Olga sa kanya mula sa kabilang linya. Wala akong panahon makipag-usap sayo! Kaya pwede ba huwag ka nang tumawag sakin kahit kailan?galit na sagot niya kay Olga saka pabagsak na binababaan niya ito ng telephono. Pagharap niya sa hagdan nakita niyang nakatingin sa kanya si Maureen. Anong tinitingin tingin mo diyan ? pabulyaw na sigaw niya kay Maureen. W-wala po sir sagot ni Maureen na parang kinakabahan. Saka nagmamadali siyang lumakad papunta sa kusina para ipagpatuloy niya ang naudlot na pagkain, pero pagtapat niya kay Glazer, hinarangan siya ninto at nanlilisik ang mga mata ninto na nakatingin sa kanya. Saan ka pupunta ha pinapaalis naba kita? Galit na tanong niya kay Maureen. Si-sir pupunta po sana ako sa kusina para po tapusin sana ang pagkain ko, kinakabahang sagot niya ditto. Diba sinabi ko sayo na pumunta ka sa kuwarto ko pagtapos mong gawin ang inuutos ko sayo? o-opo sir. sagot niya na may takot ditto. Oh…alam mo naman pala ang inutos ko sayo bakit kumain kapa? Sa mainsultong boses ni Glazer. Nakaramdam po kasi ako ng gutom sir. sagot niya sa mahinang boses. Wala akong pakialam kung nagugutom kaba o hindi! ang inutos ko ay pumunta ka sa kuwarto ko pagkatapos mong gawin ang inuutos ko sayo, pero hindi mo nanaman sinunod tatanga tanga ka nanaman, sabay sampal niya sa mukha ni Maureen. Saka kinaladkad niya ito papuntang kusina ng nakita niya ang plato na nasa ibabaw ng lamesa ay hinawakan niya sa ulo si Maureen at iningudngod niya ang mukha ninto sa platong may lamang pagkain. Diba nagugutom ka kamo iyan tapusin mo na ang pagkain mo. Habang gigil na gigil niyang hawak ang ulo ni Maureen lalo pa niyang diniinan ang paghawak sa ulo ninto para lalong sumayad ang mukha ninto sa plato. Naghalo ang luha at pagkain sa mukha ni Maureen subra siyang nasasaktan sa ginagawang pagngudngod ni Glazer ng mukha niya sa plato, wala siyang magawa kundi ang umiyak nalang sa ginagawa sa kanya dahil baka pagsumagot pa siya dito’y mas malala pang bugbog ang abutin niya. Nang makita niyang umiiyak lang si Maureen sa kinagawa niya ditto ay parang may kumirot sa puso niya hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng biglang pagkaawa dito. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa ulo ninto at bahagyang lumayo siya ng kaunti dito. Habang minamasdan niya ang hitsura ni Maureen na nakasubsub ay parang gusto na niyang humingi ng tawad sa nagawa niya dito. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili na maawa dito, hinatak niya ang bangko at umupo siya. Tapusin mo na ang pagkain mo ngayon at ayusin mo ang sarili mo bago ka pumunta sa kuwarto ko. malamig na pagkasabi niya kay Maureen at saka tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at lumakad palabas ng kusina para pumanhik na ulit sa kanyang kuwarto. Mawalan na ng ganang kumain ulit si Maureen, lumuluha siyang nagtungo sa lababo para hilamusan ang kanyang mukha na puno ng dumi, pagkatapos niyang maghilamos ay iniligpit niya ang nagkalat na pagkain sa lamesa at hinugasan ang platong ginamit niya. Sumisikip ang dibdib niya pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa pag-iyak niya. Subra ng pang-aabuso ang nararanasan niya ngayon, akala niya noong makita niya si Glazer ay mabait ito at may maawaing puso, nagkamali pala siya dahil sa kabila ng gwapo nintong mukha meron pala itong malahalimaw na ugali na tinatago. Kung alam lang niya na ganito lang ang sasapitin niya sa kamay ninto hindi na sana niya tinanggap ang tulong na inalok ninto sa kanya. Gumawa nalang sana siya ng ibang paraan. Lumipas ang ilang minute ng kanyang pag-iyak ay naalala niya na pinapapunta pala siya ni Glazer sa kuwarto ninto. nagmamadali siyang nagtungo sa kuwarto ninto, baka galit nanaman ito. Sa isip-isip ni Maureen. Nang nasa tapat na siya ng kuwarto ninto ay marahan niyang kinatok ang pinto. Bukas iyang pinto pumasok kana, malakas na boses ni Glazer mula sa loob ng kuwarto. Agad niyang binuksan ang pinto pagkarinig niya ng sinabi ni Glazer. Saka naglakad siya papasok sa loob ng nasa loob na siya ay tumayo siya malapit sa sofa kung saan naka upo si Glazer habang umiinon ng alak, nakaramdam nanaman siya ng matiding takot dahil baka maulit nanaman ang ginawa sa kanya ninto noong nakaraang gabi. Umupo ka dito sa tabi ko?utos niya kay Maureen na maotoridad. Agad naman sumunod si Maureen sa iniutos niya, umupo ito sa tabi niya. Bakit mo po ako sir pinapunta dito sa kuwarto mo. Tanong ni Maureen na bakas pa rin ang pagkakaba sa boses niya. Wala gusto ko lang aliwin mo ako ngayon, malumanay na sagot ni Glazer sa kanya habang parang ang lalim ng iniisip ninto habang nakatingin lang ito sa basong hawak hawak ninto. Hindi nalang siya umimik at hinintay nalang niyang utusan siya ninto ng gagawin niya. Samahan mo akong uminom ngayon basag ni Glazer sa katahimikan nilang dalawa, sa totoo lang kaya gusto niyang papuntahin si Maureen sa kuwarto niya ay dahil gusto niyang kausapin ito tungkol sa mangyari sa kanila noong nakaraang gabi pero mag-iba ang isip niya ng makausap niya kanina si Olga parang gusto na niyang lumurin na ngayon ang sarili niya sa alak upang makalimutan niya ang sandaling nakita at nakausap niya si Olga. Sinalinan niya ulit ang baso ng alak ng maubos niya ito, halos mapuno na ang baso sa dami ng sinalin niya. Saka iniabot niya ito Kay Maureen. Si-sir ang dami pong laman ng baso, hindi ko po kayang inumin lahat ito. paliwang ni Maureen habang nakatingin siya sa basong inaabot sa kanya ni Glazer. Umaangal kananaman ba? sagot ni Glazer na may pagkainis sa boses ninto. Hindi po sir sagot ni Maureen, saka kinuha niya ang baso at parang tubig lang niyang tinungga ang laman ninto, gumuguhit sa lalamunan niya ang pait ng alak pero tiniis nalang niya ang lasa ninto para maubos lang ang laman ng basong ibinigay sa kanya ni Glazer. Ang unang tagay sa kanya ay nasundan pa ng nasundan halos ang dami na nilang naimon ni Glazer , tumatawa na si Glazer habang nagkukuwento tungkol sa mga naging pasyente ninto, natutulala siya sa pagkukuwento ninto dahil lalo itong gumagwapo pagtumatawa, hindi niya akalain na masayahin din naman pala ito pag-lasing nga lang, sana lagi nalang itong lasing para hindi siya ninto masaktan. Napangiti siya sa isiping iyon. Nang napapansin niyang medyo umiikot na ang paningin niya ay nagpasya siyang mag paalam na kay Glazer na pupunta na siya sa maid quarter para magpahinga na. Pinayagan naman na siya ninto, pero ng tumayo na siya ay nakaramdam siya ng pagkahilo kaya parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at bigla siyang natumba, agad naman siyang sinalo ni Glazer kaya’t ang kinahinatnan ay pareho silang natumba sa sahig at aksidenteng nagkadikit ang mga labi nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD