Lumipas ang mga buwan at tanging bahay at kompanya lang ang routine ni Jessy. Seryoso ito sa pamamahala niya sa kompanya nila. Ang mommy niya ay ipinaubaya na sa kanya ang trabaho pagkat nagretire ito. Tanging siya nalang ang namamahala ng kompanya nila dahil ang dad niya ay focus na sa politika nito. Isa na itong Governor sa ngayon, palaging busy at minsan lang pumermi sa bahay/mansion nila.
Isang araw napagpasyahan niyang ipagbili ng damit ang anak niyang si Clifford hindi ito sinama pagkat nag-aaral ito. Habang naglalakad si Jessy ay tumawag ang secretary niya for another meeting 2 hours before. Marami itong bitbit dahil wala siyang kasamang guard siya lang mag-isa nagdala non. "Ouch!" saad niya ng nagkabanggaan sila ng babae na may kasamang lalaki hindi niya iyon nakita kanina dahil sa paghahanap niya ng ibang bibilhin habang tumatawag ang kanyang secretary. Nahulog ang mga paper bags na dala niya. Kaya napatingin siya sa bumangga sa kanya. "Yan kase ang tanga-tanga" saad ng nakabonggo sa kanya. "Do you really think- " at napa-awang ang labi niya ng makita si Kia kasama si Axle. "Jessy?" Gulat na sabi ni Kia. Napalingon naman si Axle. Nanlaki ang mata ni Axle ng makita niya si Jessy.
Axle's Pov
Nakita ko si Jessy ng lumingon ako sa kinaroroonan ng babaeng nabangga ni Kia. Nanlaki ang mata ko at lumakas ang t***k ng puso ko ng makita ko siya muli. Ngunit bumalik lahat ng sakit na dinulot niya. Makikita mo sa kanya na lalong gumanda at sumexy. Pinulot ko bigla ang mga dala niya ng dahil sa pagkabigla ay kinuha niya bigla iyon at naglakad na parang walang nakita. Tinignan ko iyon ng papalayo. "so tapos kanang pagnasaan ang babaeng yon?" Saad naman ni Kia. "oh hon, sorry I was shock to see her" saad ko pa. "Let's go, ayoko na pala magshopping. " Saad niya sa akin at naglakad na palabas ng mall. "Hon wait, hey" pagtawg ko dito at naabutan ko naman. " I thought you come here to buy some new dress?" "No need, I forgot I just got shopping last day" saad nito sabay pasok sa kotse. Pumasok naman ako bigla at nakita ko ang pagsimangot nito. " Hon, what's wrong?" "Kung makatitig ka parang hindi mo ako kasama. Are you inlove again to Jessy aren't you? " Sambit agad niya. "No, I mean I just got shock, as I said earlier." Nagmaneho na ako at habang nasa byahi kami nakasimangot ito.
Jessy's Pov
Lumabas ako ng mall at sumakay sa kotse ko. Huminga ako ng malalim at bahagyang nalungkot sa nakita ko. Biglang sumimangot ang masaya kong araw. Nagdrive ako at umuwi sa mansion. Nang makarating ako sa kwarto bigla akong napaupo sa kama at biglang tumulo ang luha ko. Ayaw kong umiyak pero sa tuwing naaalala ko ang relasyon naming nawasak ni Kia ay nanghihinayang ako at lalo na sa amin ni Axle. Ngunit ngayon tanging galit nalang ang nararamdaman ko sa dalawa kanina, ngunit bigla akong tumakbo ng di ko namamalayan. Galit ako sa kanila kaya gusto ko silang saktan ngunit paano?
Nang makita ko si Axle bumalik lahat ng sakit at lalo na ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong ganito ako kase gusto ko ng mag move on pero paano. "Knock.. knock... " Come in" saad ko. " Hi mom, " saad ni Clifford. "Ohh, baby your here na pala" "yes mom, we just got arrive" saad nito. "How's your school, do you eat already?" Tanong ko. "Yes mommy, are you feeling something mom? " Tanong nito sa akin. " No baby, I'm just tired" "owh, I think you need a massage huh" pumatong ito sa kama ko at menasahe ang balikat ko. "Thanks baby, you're so sweet." Bumaba naman ang kamay nito sa kili-kili ko at kiniliti ako. Kaya napatawa ako ng di oras. "Your so naughty baby," bumawi naman ako sa pagkiliti sa tagiliran niya kaya tawa ito ng tawa. Nagpapasalamat nalang talaga ako at nandito siya sa akin upang damayan ang malungkot kong araw. Siya ang isa sa lakas at pahinga ko sa tuwing napapagod ako. Kaya wala akong planong sabihin kay Axle na may anak kami. Ayokong may kahati sa anak ko. Ayokong isang araw sa pagmulat ko wala na sa piling ko si Clifford. Kaya kahit gusto niyang makita ang daddy niya ay hindi ko ginawa. Ang sinabi ko nalang ay nasa malayo ito nagtratrabaho.