C H A N Saturday morning. "Pa, Ready na po ako," Dahil walang trabaho si Papa ngayon ay siya ang maghahatid sa akin sa dorm ng swimming club. Hila ang isang maletang naglalaman ng mga kakailanganin ko saka isang backpack ay bumaba na ako upang sabihin kay papa na handa na akong umalis. Mabuti na lang at wala dito si Ate ngayon dahil baka pigilan na naman niya ako. Simula pa kahapon ay pinipigilan na niya ako at lumipat nalang daw ako ng club. Kung puwede pa ay kakausapin niya ang dean para sa akin. Hindi naman ako pumayag sa idea niyang iyon dahil nandito na ako. Wala ng atrasan ito saka ayaw ko rin na makaistorbo pa at baka makagawa pa ako ng iskandalo sa school. Marami pa namang tsismosang nagkalat doon na kapag may narinig lang na balita ay kakalat na agad sa buong campus. "Wala k

