C H A N Two days na rin 'yung nakalipas simula no'ng nagsabay kami maglunch kasama si Kitty at Mark. Sa dalawang araw na 'yun ay marami ang nagbago sa pakikitungo n'ya sa akin. 'yung dating inaasar ako at kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ay nagbago. Nagging sweet and caring na s'ya, ni ayaw nga akong mawalay kapag kailangan na namin maghiwalay. Tuwing nasa condo naman kami ay inaasikaso n'ya ako, pinaglulutuan at kung ano-ano pang pag-aalaga. Minsan ay bumabanat din s'ya na nagpapanginig sa kalamnan ko. Sa mga araw na nagbago s'ya ay napatunayan kong handa n'ya akong saluhin kapag nahulog na ako ng tuluyan. Nagbago rin 'yung tingin ko na akala ko'y s'ya ang antagonist sa buhay ko. "Chan..." Tumingin ako rito. Kasama ko na naman siya rito sa isang fancy restaurant. Sabay kaming nag

