C H A N Hindi naman ako naburyo habang hinihintay ko si Miguel dahil nag-enjoy ako habang pinapanood ko ang mga batang naglalaro sa aking playground dito sa bahay ampunan. At, habang nakatingin ako sa kanila ay hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang batang nakaupo lang sa isang lilim ng puno na nag-iisa. May hawak itong gitara na pinapatugtug at nakapikit ang kaniyang mga mata. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin pero hindi ko na lang ‘yun ginawa dahil sa tingin ko’y nais niya ring mapag-isa. Nakakapagtaka lang dahil tanging siya lang ang batang hindi nakikipaglaro sa mga kasama at kung bakit hindi rin siya nilalapitan ng iba upang makipaglaro. “Hi po!” Napatingin ako rito. Isang batang napaka-cute dahil sa singkit nitong mga mata at sa taba ng kaniyang pisngi. Napangiti ako nang ngum

