C H A N "Hoy, bakit mo nilampasan iyong building?" Tanong ko rito ng hindi ito sa Perez Classion Hotels and Condominiums dumiretso. "I'm too tired to cook, so let's eat in a restaurant near," Anito. Sabagay may punto siya dahil gabi narin at pagod pa siya sa practice. Pero tama bang idea itong na kakain kami sa labas na magkasama? M-magdadate kami? Sabi ko sa sarili ko at tumingin ako sakanya. "We're just eating together, not a date. Besides, I only date girls," Sabi niya bigla. "Hah?" "Bumubulong ka kasi diyan ng malakas, so I answered your thoughts," Umiwas ako ng tingin at tumingin sa bintana ng kotse. Tumigil naman kami saglit dahil red light. Hindi ko nalang pinansin iyong sinabi niya kanina hanggang sa makarating kami sa restaurant. Nagpark naman siya at agad na itong lumaba

