C H A N Magmula ng nangyari iyon naging tahimik na ako hanggang sa nakauwi na kami dito sa condo. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko o dapat ba akong magsalita pa. Hindi naman dapat nangyari iyon dahil hindi sumasang-ayon ang aking isipan. Hindi naman dapat niya iyon ginawa lalo pa't wala naman siyang nararamdaman sa akin. Nakaligo na ako't nakaupo lang ako rito sa harap ng kaniyang study table. Kakatapos ko lang gawin ang mga assignments ko. Pagkatapos naman akong ibaba ni Miguel dito ay umalis rin siya agad at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Mas mabuti na iyong wala siya rito ng sa ganon ay makapag-isip ako ng mabuti. Sa ngayon kasi ay hindi ko naiintindihan ang sarili ko dahil naguguluhan pagkatapos ng halik na iyon. Madalas akong nagpapahinga ng malalim dahil sa n

