C H A N Kinakabahan ako habang sakay ng taxi kasama si Kitty. Papunta kami ngayom sa isang restaurant dahil doon daw kami magkikita nina Miguel at Mark. Kakatapos lang ng klase nila at kami naman ni Kitty ay hindi kami pumasok dahil wala nga kaming pasok. Kaya sinamaan niya ako sa parlor ng kanyang ninong upang magpagupit. Nagmukha akong koreano sa itsura ko ngayon, kaya kinakabahan ako sa magiging reaction ni Miguel. Hindi ako sigurado kung magugustuhan ba niya ang ayos ko o hindi, baka panget sa kaniya ang ganitong style ng pananamit at buhok? "Hoy! Bakit mukhang 'di ka masaya?!" Tinapik ni Kitty ang balikat ko. "Baka hindi niya magustuhan, 'teh?" Tumingin ako sa bintana, kasalukuyan pa rin kaming nasa daan papunta sa sinasabing restaurant ni Kitty. "Gaga! Ikaw pa rin si Chan, 'teh

