C H A N Isang linggo ulit ang lumipas nang lumipat kami ni Miguel dito sa kaniyang bagong condo, sa aming condo ayon sa kaniya. Ang bawat araw sa aming dalawa ay hindi nawawalan ng saya at kilig, minsan na rin kaming nag-away ngunit agad naman itong nawawala dahil hindi kami natutulog at nagtatabi kapag hindi naming iyon naaayos. “Good morning!” masiglang bati ko sa kaniya nang pumasok siya sa kusina. Lumapit ito sa akin at mabilis akong hinapit sa baywang kaya napatingala ako, wala siyang suot na damit at tanging maikling shorts lang ang kaniyang suot. Magulo pa ang buhok nito na halata sa kaniya ang bagong gising ngunit nang inilapit niya ang kaniyang mukha at mabilis na hinalikan ang aking labi ay naamoy ko ang mabango nitong hininga. “Good morning, baby!”

