HINDI ko makontrol ang aking katawan ngayon. Sunod-sunuran lamang ako sa lahat ng ipinag-uutos ng misteryosong babaeng nasa harapan ko. Walang malay si Nero at Ace. Hindi ko rin alam kung ano ba ang ginawa niya sa mga kasamahan ko. Natatakot ako, pero pilit ko itong nilalabanan. Ako na lamang ang inaasahan nila Nero at Ace ngayon. Kailangan kong mag-isip nang mabuti at matalo ang babaeng 'to. Kailangan ko panatilihin ang talas ng aking pag-iisip. "Mag-isip ka Lara!" ani ko sa aking isipan. Patuloy lang ako sa paglalakad at kusa na lamang tumigil ang mga paa ko sa mismong harap ng tarangkahan. "Akala niyo ba ay madali lang kayong makakapasok sa bayang 'to?" Nakatalikod ang babae sa akin at nasa likuran naman niya ako. Habang nagtatanong ay hindi niya ako nilingon. Nakatago ang mukha

