Kabanata 7

2381 Words
Problemado ako habang nakaharap sa kabinet kung saan naroroon ang sandamakmak na mga damit ng lalaki. Hindi ko alam kung anong isusuot ko at talagang naninibago ako sa katawang 'to. Kanina nga habang naliligo ay pikit-mata akong nagsasabon sa katawang 'to at mahigit dalawang oras akong nagtagal do'n. Paano ko naman aalagaan ang katawang 'to? Naiilang ako at sa t'wing dumadapo ang kamay ko sa pagitan ng mga hitang 'to at agad naninindig ang mga balahibo ko sa katawan. Babae ako at lalaki ang katawan ko ngayon. Ang weirdo lang isipin na hahawakan ko 'yong parteng 'yon ng lalaki! "Bakit naman kasi puros itim na sando ang nandirito?!" problemado kong ani. Wala man lang kahit t-shirt at puro sandong itim lang talaga ang laman ng kabinet niya. Naglakad ako papunta sa salamin at muling tiningnan ang sarili ko. Nakahapit sa katawan ko ang tuwalya at may tuwalya rin sa buhok. Ngumiwi ako nang makita ko ang sarili. Ang brusko kong tingnan pero 'yong datingan ko ngayon ay babaeng-babae! Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa ngayon ay wala akong magagawa. Hindi pa rin gumigising 'yong totoong Nero na nasa katawan ko naman pero ang sabi naman ni Ace ay ligtas na siya sa kapahamakan. Tatlong araw na rin no'ng iniligtas ko siya at malapit na ang linggo! Namomroblema na ako roon sa sinabi ni Ace sa akin na tungkol sa council. Pinapatawag kasi nila ako at hindi ko alam kung paano pa ako magkukunwari at paano ba dapat kumilos. "Nero?" Nagulat naman ako sa biglang pagkatok ni Ace sa pinto. Mukha akong baliw na napahawak sa sarili na animo ay tinatakpan ko ang kahubdan ko kahit ako lang naman ang mag-isa rito. "Bakit?" sagot ko naman. "Gising na 'yong babae." Dahil sa narinig ay agad akong nagbihis upang mapuntahan ang totoong Nero at magkaroon na ng paliwanag sa nangyayaring 'to. Kailangan ko siyang makausap nang masinsinan at mapagplanuhan namin kung paano maibabalik sa amin ang mga sarili naming katawan. Muli ay iginiya ako ni Ace sa isang pagamutan na nasa loob pa rin nitong malaking compound. May mga doktor na nakapalibot sa katawan ko na nakahiga sa isang hospital bed. Nakatulala at parang wala itong naririnig sa paligid. "Kanina pa 'yan gan'yan. Hindi makausap at hindi rin nagsasalita. Nakatulala lang sa kawalan," saad ni Ace. Baka dahil sa natamong sugat nito sa torture ay naapektuhan ang utak ng katawan ko kaya ganoon na 'yan kumilos? Kinabahan ako. Hindi pwedeng mabaldado ang katawang 'yan dahil maaapektuhan ako. "Paalisin mo lahat ng doktor. Kakausapin ko siya," utos ko kay Ace. Nakita kong kinausap ni Ace ang isa sa mga doktor at tumango naman ito at isa-isa silang umalis sa loob ng kwarto. "Nakaalis na sila," wika ni Ace sa akin nang makabalik ito sa pwesto ko. "Ikaw rin, iwan mo muna kami," marahang sagot ko. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa nakahigang katawan ko. Ang daming pasa sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Mula sa mukha hanggang sa paa. Nagkulay ube na rin ang kanang pisngi dahil sa pamamaga. Hindi ko lubos maisip kung anong hirap ang pinagdaanan ng katawan ko sa kamay nila. Kaya dapat ay hindi ako mahuli dahil kung mangyari man 'yon, mukhang hindi na ako makababalik pang muli sa orihinal kong katawan. "Anong ginawa mo sa akin? Bakit nasa sa'yo ang katawan ko?" Agad akong nagulat dahil sa narinig. Nagsalita si Nero na nasa katawan ko! Akala ko ba ay wala siya sa sarili niya? Paano ito nangyari? "Nakakapagsalita ka?!" gulat kong tanong. Napaupo ako sa may gilid ng hinihigaan niya habang nakikipag-usap pa rin. "Hindi ganoong torture ang makakapatay sa akin," malamig nitong sabi. "Sagutin mo ako habang may natitira pa akong pasensya." Napalunok ako ng laway. Ganito ba ang ugali ng totoong Nero? Malayong-malayo siya sa katauhan ko at pakiwari ko nga ay magkasalungat kaming dalawa. "Huwag mo akong sisihin dahil hindi ko rin alam. Nagising na lamang ako na nasa katawan mo na," sagot ko. Sa nanlilisik na mga mata ay tiningnan ako ni Nero. Napangiwi pa ako nang makita ko ang sarili kong nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang mukha ko. Hindi ko matagalan ang titig na 'yon dahil na-weweirduhan lang talaga ako. Sarili ko kasi 'yong nakikita ko na nagkakaganito ngayon. Hindi ako sanay. "Hindi mo ako maloloko. Kaano-ano mo si X?! Tauhan ka ba niya?!" sigaw nito sa akin. Buti na lamang at mukhang sound proof itong kwarto at hindi kami maririnig sa labas kahit magsisisigaw pa siya. "Chill, pwede ba? Atsaka wala akong kilalang X! Ni hindi ko nga alam kung anong lugar 'to," usal ko. "Huwag mo akong pinagloloko. Kaya kitang patayin sa isang segundo lamang," pananakot pa nito sa akin. As if namang magagawa niya iyon 'di ba? Para niya na ring pinatay ang sarili niya kung ganoon. Masyadong mainitin ang ulo nitong Nerong 'to. Gwapo nga pero mukhang masama naman ang ugali. "Sige gawin mo, para hindi na talaga tayo makabalik pa'ng muli sa mga katawan natin," sagot ko. Natahimik naman ang totoong Nero at tinalikuran ako. Ang suplado niya talaga! Paano kami magkakasundo kung ganito siya umasta?! "Hoy?" tawag ko. Hindi niya pa rin ako nililingon at hindi rin siya nagsasalita. "Hoy…" Marahan ko siyang kinalabit pero wala pa rin. "Sige ka, ipatatawag ka pa naman ng council, paano na 'to?" Sa wakas ay nakuha ko na rin ang atensyon nito. Nilingon niya na ako at muli ay nakakunot na naman ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Anong ginawa mo?" mariin na tanong nito sa akin. Hala? Bakit ako? Ano ba'ng ginawa ko? Hindi ba siya naman ang may nagawa?! Palpak ang operasyon nila bakit damay ako ngayon? "Wala akong ginawa. Sabi ni Ace sa akin ay palpak daw ang operasyon na isinagawa ninyo!" "Magkakilala na kayo ni Ace? Alam niya na?" tanong ulit nito sa akin. Umiling ako at tumayo. "Wala siyang alam okay? Kahit naman papaano ay ginagampanan ko nang mabuti pagiging Nero ko. Gusto ko ng makabalik sa katawan ko. Kailangan nating malaman kung anong solusyon para rito," desperado kong saad sa lalaki. "Dapat lang talaga. Ayaw ko sa katawang 'to at mukhang malnourished. Atsaka, babae ka ba talaga? Bakit ang brusko ng mukhang mo?" Nanggigil ako bigla sa sinabi ng lalaki. Anong karapatan niyang lait-laitin ang katawan ko?! Ano raw? Brusko raw ang pagmumukha ko?! "Ang kapal mo ha? Babae ako hoy?! Kaya huwag mong manyakin 'yang katawan ko," gigil kong wika. Pinagmasdan niya lang ang mukha ko at mababakas sa mukha nito ang nakalolokong reaksyon. "Wala namang kamanyak-manyak sa katawang 'to." Hinawakan nito ang boobs ko at napanganga ako dahil sa ginawa niya. "Hmmm, A cup size. Malnourished ka nga talaga. Huwag kang mag-alala at palalakihin ko ito." Ngumiti pa ang lalaki sa akin ng nakaloloko. Gusto ko na sana siyang sapakin at ready na sana ang kamao ko nang pumasok sa isip ko na nasa katawan ko pala siya. "Ang gago mo!" naiinis kong wika. "Akala mo naman kagwapuhan!" "Hindi nga ba?" Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at hinayaan na lang ang mga pang-iinsulto nito. Kung hindi ko hahabaan ang pasensya ko ay wala akong makukuhang matinong sagot sa kan'ya. Mukhang anghel nga pero asal demonyo naman! Atsaka hindi ko pinagnanasaan ang katawang 'to no! "Hindi nga ba?" tanong ng isip ko. "Tse! Tumahimik ka at hindi naman talaga." Para na akong baliw na nakikipag-usap sa sarili ko. Natigil naman ako sa ka-momonologue ko nang magsalita ulit si Nero. "Makinig ka sa akin. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na maglalagay sa atin sa kapahamakan. Sasama ako sa'yo sa council," sabi nito sa akin. "Talaga?" ani ko. Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako sa mangyayari at nang dahil sa sinabi ni Nero sa akin ngayon ay medyo gumaan-gaan ang pakiramdam ko. Alam kong hindi niya ako hahayaang mapapahamak dahil pareho kaming malalagay sa delikado kapag nangyari iyon. "Pero bago iyon, kailangan muna kitang sanayin. Hindi ka naman siguro bobo no?" walang prenong tanong nito sa akin. Excuse me lang talaga sa kan'ya. Writer ako kaya madali akong matuto. Malikot din ang isipan ko kaya hindi ako mahirap turuan. Kung maka-bobo naman ito sa akin. Parang minamaliit niya talaga ako! "Naninigurado lang ako. Dahil sa mundong 'to walang puwang ang mahihina," seryosong wika ni Nero na nakatingin lamang sa kawalan. "Hindi ko hahayaang mawala ang iniingatan kong posisyon kaya huwag kang papalpak!" Kinabahan ako at nanlamig. Sa tono ng pananalita nito ay masasabi kong delikado siyang tao samahan pa ng nanlilisik na mga mata niya ay mapaaatras ka talaga. Nilunok ko ang laway na nakabara sa lalamunan ko. Parang biglang sumakit iyon at bigla na lang akong nanginig. Makakaya ko nga bang magpanggap bilang siya? "Matanong ko lang sana. Anong lugar ba 'to? Wala na ba ako sa Pilipinas?" Seryoso niya akong tinitigan at nagsalita. "Hindi ka taga-rito?" Napatango ako at muling tinitigan si Nero. Napailing ang lalaki at mukhang problemado ito sa narinig mula sa akin. "May problema ba?" kinakabahan kong tanong. "Oo, at malaking-malaki iyon. Pagkatapos natin sa council ay maghanda ka. May pupuntahan tayo," si Nero. Umalis ako sa kwarto nito at muling pumasok naman ang mga doktor. Ang huling habilin ni Nero ay huwag akong maglalabas ng kwarto. Hintayin ko raw siya sa Biyernes at tuturuan niya ako sa dapat kong malaman. Sinabihan ko na rin si Ace na bantayan ang seguridad ni Nero sa loob at huwag hayaang mapahamak siya. Wala akong nakuhang sagot kay Nero patungkol sa mundong 'to. Maikli lang kasi ang naging pag-uusap namin dahil na rin sa nanghihina pa siya. Habang naglalakad ay may nakasalubong naman kaming isang lalaki. Guwapo rin at may suot na salamin sa mata. Kulay pilak ang buhok nito at abuhan ang kulay ng mga mata. Nakasuot ng isang suit ang lalaki habang may nakasukbit na espada sa gilid ng beywang nito. Parang 'yong mga nakikita ko lang sa mga pelikula. Tumigil ito sa harap ko at nagbigay galang at yumuko nang bahagya. "Kuya," tawag nito sa akin. Nagtataka kong tiningnan si Ace at mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin dahil agad niya akong binulungan. "Uno, si Silver 'yan, kapatid mo," bulong nito sa akin at muli kong pinasadahan ng tingin ang lalaki. Hindi ko agad napansin ang malaking pagkakahawig ni Nero sa lalaking 'to. Ang tanga ko talaga! Dapat kailangan kong mag-ingat lalo pa't mukhang may koneksyon kaming dalawa. "Tama nga talaga ang nalaman kong balita. Nagka-amnesia ka nga talaga kapatid." "Unti-unti ng gumagaling si Uno, Dos. Tiningnan na din siya ng mga eksperto at babalik din ang memorya niya," sagot ni Ace sa lalaki. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito. Parang may kakaiba sa kan'ya na hindi kaaya-aya. Nangangapa ako ngayon dahil wala akong alam kung anong nangyayari sa pagitan ng magkapatid na 'to pero sa nakikita ko ay mukhang hindi sila magkasundo. Sa tono pa lang ng pananalita ng Silver na 'to ay nahihimigan ko na ang kayabangan niya. At siguro ay isa ito sa naghahangad ng posisyon ni Nero. Ganoon naman lagi 'di ba? Atsaka lagi ko rin nababasa mga anime manga ang ganitong eksena. Eksena sa pagitan ng magkakapatid na nag-aagawan ng posisyon at kapangyarihan. Kailangan kong mag-ingat. Mas mabuti na ang maging mapagmasid ka bago mahuli ang lahat. "Huwag kang mag-alala Silver. Malakas pa naman ako at kayang-kaya ko pang mamuno," sagot ko. Pinilit kong patatagin ang boses ko at ginaya ko ang angas ni Nero. Kailangan kong galingan at paniwalain sila na ako talaga si Nero. Natawa naman si Silver sa sinabi ko at sinagot ako. "Ika nga nila, ang masamang d**o matagal mamatay. Kaya inaasahan ko 'yan kuya. Hindi ka basta-basta lang mamamatay sa ganoon lang," sagot nito. Nagpaalam na si Silver sa amin at hindi na ako nakasagot sa naging pahayag nito. Nakahinga ako nang maluwag at nagpatuloy naman kami sa paglalakad ni Ace. Wala naman sigurong problema kung magtatanong ako kay Ace 'di ba? Ang alam ng nakararami ay may amnesia ako kaya't normal lang siguro ang magtanong. "Ace," tawag ko sa lalaki. Napatigil ako sa paglalakad at ganoon na rin si Ace na nakasunod lang sa likod ko. "Ano iyon Uno?" tanong ni Ace sa akin. "Magkaano-ano tayo?" Napatigil saglit si Ace sa tanong ko at naglakad nang mabagal. Sinabayan ko naman ang lakad nito at nagsalita siya. "Tayo? Magkababata tayo Nero. Matagal ng tauhan ng ama mo ang ama ko. Nasa limang taong gulang pa lang tayo noong una kitang nakilala. Sabay rin tayong nag-ensayo at kalaunan naging kanang-kamay mo ako," pag-kwekwento nito sa akin. Bawat lumalabas sa bibig ni Ace na mga impormasyon ay tinatandaan ko. Wala akong sinayang na pagkakataon at itinatak ko iyon sa utak ko. "Huwag ka sanang magtaka kung nagtatanong man ako ngayon. Gusto ko lang makasigurado," ani ko pa. "Walang anuman iyon. Alam kong mahirap sa'yo itong pinagdadaanan mo kaya bilang kaibigan ay hayaan mo akong tulungan ka," sinserong sagot ni Ace sa akin. Napanatag ang kalooban ko. Mabuting kaibigan si Ace at alam kong matutulungan niya ako sa mga tanong ko. "Anong lugar ito?" tanong ko ulit. "Ang lugar na ito ay tinatawag na Kaharian ng Westeria. Ang West Family ang namumuno rito at nahahati sa limang bahagi ang kaharian." Napaisip naman ako sa sinabi niya. West family? Magka-apelyido kami ng royal family rito. Grabe naman sa coincidence 'yon di ba? "Ang Mafia's land, the assassin's at ang mga gangsters. Lahat ng tao rito ay parte ng ganitong sistema. Ang ama mo na si Supremo ang siyang namamahala sa mga Mafia at ikaw naman ang susunod sa pwesto niya," mahabang kwento nito sa akin. Napasarap ang kwentuhan namin at hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng pinto ng kwarto ko. "Mauuna na ako sa'yo Uno. May kailangan pa akong asikasuhin. Magpagaling ka at paparating na rin 'yong pagkain mo." Nagpaalam ang kaibigan sa akin at tuluyan na rin akong nakapasok sa loob ng kwarto. Ang dami ko pa palang dapat malaman. Parang sasabog na ang utak ko sa dami ng dapat ikabisa. Kaharian ng Westeria? West family? Napahawak ako sa kwintas ko. Bigla akong nataranta nang mapag-alaman kong wala sa leeg ko ang kwintas. Nasa katawan ko iyon at ang ibig sabihin lang no'n ay nakay Nero ang kwintas ko. Kailangan ko 'yong makuha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD