Kinalampag nang kinalampag ni Sky ang selda kung saan siya naroon. Habang ako naman ay nakatutok lamang sa pagwawala niya. Totoo nga talaga ang sabi-sabi. Nawawalan siya ng kontrol kapag sumasapit ang eklipse. Pinanood ko kung paano nag-iba ng kulay ang mga nito at parang nag-iba rin ang anyo ng mukha ng lalaki. Nahihiwagaan din ako sa sarili ko ngayon. Dati-rati kapag nasa ganitong sitwasyon ako ay halos mawalan na ako ng ulirat sa kaba ngunit iba ang nararamdaman ko ngayon. Ibang-iba sa dating ako na walang ibang ginawa kung hindi ang manginig at mag-isip ng masama. "Nanginginig akong patayin ka," gigil na ani ni Sky sa akin. Inamoy pa nito ang bakal na nasa harapan atsaka inilabas ang dila upang dilaan iyon. Pasimple akong ngumiwi sa ginawa ni Sky. Nandidiri ako sa paraan ng pagdila n

