Kinabukasan rin ay maaga sila ulit nagtipon-tipon sa harap ng coaster tulad rin ng inutos ni Madam V. Suot ang rainbow na scarf at mahabang bestida ay nakangiting nakaharap sa kanila si Madam V at magkalapat ang dalawang kamay. “Well, challengers, isang araw na naman ang natapos. Sana ay nag-enjoy kayo sa bakasyon nating ito. Natutuwa ako na magkakasundo na kayo.” ngumiti siya ng matamis bago muling sumeryoso. “Unfortunately, muli kayong nabawasan kagabi at alam kong narinig ninyo iyon base sa malakas na tunog ng alarm.” Pumalakpak siya at may nag-abot sa kaniya ng isang kwintas na gawa sa bulaklak pagkuwa’y lumapit siya kay Jasmin at isinabit ito sa kaniya. “Good job, Virgin but you lost. Pag-uwi sa mansion ay sa Non-Virgin wing ka na lilipat.” Maang na napatingin kay Jasmin ang apat

