Chapter 31 AGATHA… MISSION ABORT. Iyana ng utos sa amin ni Fortress, hindi ko alam kung bakit pero dahil iyon ang utos iyon ang gagawin namin. “Athena,” tawag ko sa kasama ko. Kaming dalawa ang may pinakamahirap na sitwasyon ngayon dito, hindi kami basta-basta pwedeng makalabas nang walang nakakapansin sa amin. Una na ang daming bantay sa aming mga babae dito sa accommodation kung nasaan kami. “Demeter, I have three guard in here. Hindi ko sigurado sa labas ng kwarto.” Sagot ni Athena sa akin. Tinignan ko ang mga kasama kong mga babae, masaya pa silang nagku-kwentuhan ng mga sandaling ito. Wala silang kaide-ideya sa mga mangyayari sa kanila mamayang gabi. Hindi ko sila kayang iwanan dito, pero anong magagawa ko kung ang utos sa amin ay itigil ang trabaho namin. “I have seven here,

