Chapter 15 AGA… “YOU’LL BE having a training from today. It will not be an intensive as you think, after all you used to be a military officials. Hindi ka na namin kailangan na i-training about combat and stuff. I know that you know those stuff to well,” dere-deretsong magsalita si Fortress. Hanggang ngayon nakatitig ako sa kanya, she’s too small. Hindi ko siya minamaliit kasi maliit talaga siyang babae. Pero hindi mawala sa akin na ma-amaze habang nakikinig sa babaeng ito. Ang liit-liit niya pero parang siya ang pinaka-boss ng SIS kung magsalita. “Nakikinig ka ba Demeter?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Panay ako tango sa kanya, na may kasama pang-oo. “Naliliitan ka ba sa akin?” tanong niya na pinaniningkitan ako ng mga mata. Bago pa man ako makasagot isang lalaki ang

