Chapter 17 AGA… NABABALIW NA rin siguro ako, bakit kailangan na nandito pa rin ako nakaupo at pinapanood ang isang Doctor Keiran Evans na magluto ng agahan ko. Not only that, I even slept besides him last night. Anong tawag sa akin? Baliw hindi ba? Sinabi ko sa kanya na wala akong nararamdaman para sa kanya. Iyon ang alam ko at dinidikta ng isip ko kasi nga parehas kami na lalaki. Hindi man lalaki talaga ang katawan ko, pero para sa akin lalaki ako. at dapat iyon lang ang maramdaman ko pero bakit ganito? Bakit ganito ang kinikilos ko sa harapan ni Keiran? Taliwas sa mga pinagsasabi ko ang ginagawa ko. Lalo pang isang kabaliwan na wala man lang akong ginawa nang halikan niya ako sa labi ko kagabi. “What do you want for your eggs?” tanong ni Keiran sa akin. Huminga ako ng malalim h

