Chapter 41 AGATHA… PAYAPA AT TAHIMIK ang buong paligid ko, walang kahit na sinong manggugulo sa akin dito. Ni wala ngang nakakaalam kung nasaan ako kaya wala talagang manggugulo sa akin dito. Wala ring nakakakilala sa akin sa lugar na ito kaya walang basta na lang lalapit sa akin. Umuusok na isang tasa ng hot choco ang hawak-hawak ko habang nakatingin sa malayo. Nasa veranda ako ng apartment na tinutuluyan ko dito. Dito lang ako nagpapalipas ng oras, na halos ginagawa ko araw-araw mula nang mapadpad ako dito nang umalis ako ng Manila. Halos isang linggo na ako rito, hindi ako lumalabas ng bahay lahat nang kailangan ko pinapakisuyo ko lang sa landlady ko. Sinabi ko kasi na nag-iingat ako at sabi ng doctor sa akin kailangan ko ng complete bedrest. Na pinaniwalaan naman agad ng Landlady k

