Chapter 34 Agatha… I’M SO EAGER TO CATCH that Lindon. Wala akong pakialam na kakambal siya ni Keiran, basta ang mahalaga sa akin makulong gagong iyon. Inis at galit ako sa hayop na iyon nang dahil sa ginawa nito kay Keiran. Kaya nga wala akong amor sa lalaking iyon, siya nga na kakambal ni Keiran hindi sinanto ang bond na meron silang dalawa. Kaya ako na girlfriend lang naman ng kakambal nitong si Keiran, hindi ko rin siya sasantuhin. Bigla akong napangiti, naalala ko na naman ang salitang girlfriend. Kung noon kinikilabutan ako kapag naririnig kong sinasabihan ako ng Tatay ko at mga kapatid kung kailan ako magkaka-boyfriend, ngayon kinikilig ako. “Ang ganda ng ngiti mo, kinikilig ka ano? Nag-jerjer na kayo?” tanong sa akin ni Fortress. Nasa bahay niya ako ngayon para kunin ang forl

