Chapter Two

2825 Words
Stella's POV "H-Hugo Valdenor?" Hindi ko namalayan na humakbang na pala ako palapit sa kanya. Nananatiling sa akin parin ang tingin ni Hugo, walang kurap na ginagawa. Nang makalapit na ako sa kanya ay biglang lumiwanag ang paligid na para bang nasobrahan sa sikat ng araw. Pag-dilat ng mga mata ko'y kasabay ng pagka-wala ni Hugo. Ramdam ko ang kilabot sa aking katawan nang makita ko ang lalakeng itinadhana sa akin. Nakita ko ang susunod na mangyayari sa akin at hindi ako pwedeng mag-kamali dahil ngayong araw ito magaganap! "Aray!" Gulat ang mukha kong nakita ang pulang pisi na nakatali sa kanang daliri ko! Hindi nga pwede to! Hindi ko sinundan ng tingin ang pisi at mabilis na nag-lakad. Ang lakas na nang t***k ng puso ko! Hindi ko na kaya to! I wan't a normal life! I don't want this red strings! Kahit kami man ni Hugo ang itinadhana para sa isa't isa ay hindi pa rin namin maiiwasang mahulog sa iba. Katulad nalang kay Bridget at Hugo. Alam kong matagal nang gusto ni Hugo ang kaibigan ko pero bakit?! Bakit pinaglalaruan mo kami tadhana? Hindi ba pwedeng si Bridget at Hugo nalang? Huwag kami! Huwag ako! Mas mahal ko ang pag-kakaibigan namin ni Bridget! At ayaw kong sirain ang pag-mamahal ni Hugo para sa kaibigan ko! Huminto ako sa Park katapat lang ng school namin. Humanap ako ng tahimik na lugar at umupo. Nakatigin ako ngayon sa pulang pisi na mahigpit ang pagkaka-tali. Katulad ng nakita ko kanina ay kumikinang ito, nakaka-akit tingnan na may halong sakit. Nakita ko si Hugo na nasa harapan ng paaralan. Tinitigan ko ang pulang pisi na nakatali sa kanyang kanang daliri. Mahigpit at sini-segurado nitong hindi kami mag-kakahiwalay pa. May sumundo sa kanyang itim na sasakyan at sumakay na siya. Umandar na ang sasakyan, mahaba na ang pisi pero hindi parin ito napuputol. Isang oras akong tumambay sa Park. Naaliw kasi ako sa mga batang nag-lalaro doon. Ngiti at at tawanan ng mga bata ang nakikita ko. Umuwi na ako sa bahay at agad dumiretso sa aking kwarto para mag-pahinga. Ang daming tanong na naipon sa utak ko ngayon pero wala akong sagot na maibigay. "Ate! Wake up! It's already 8 pm." Napabangon sako dahil sa malakas na sigaw ng kapatid ko. Agad siyang kumaripas ng takbo dahil alam niyang sasabunutan ko siya. Inis akong inabot ang relo at nagulat ako dahil talagang alas-otso na! Napahilam ako sa tiyan dahil bigla itong kumulo. "Ah, gutom na ako." Bumaba ako ng kama at nag-lakad pababa ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina para tulungan si Mommy na mag-handa ng pagkain. "Hi Mom." Ngumiti siya sa akin pag-katapos kong halikan siya sa pisnge. "Tulungan ko na kayo." "Huwag na, umupo ka nalang don." Sinunod ko ang sinabi ni mama at dumiretso sa mesa at umupo katabi si Ally na busy sa kanyang cellphone. Hindi ko siya pinansin at nag-hintay nalang kay Mommy. "Hahahahaha." Agad akong napatingin dahil sa biglang pag-tawa ni Ally habang nakatingin sa kanyang cellphone. Naku, I smell somethings fishy here! Nilakihan ko ang mga mata at tinaasan ang leeg para makasilip kay Ally. _____________________________________________ Nathan:                 Ang cute mo talaga Ally!" Ally: You're just kidding Nate! Nathan:               I'm not! I'm saying the truth. _____________________________________________ Naging higad ang kapatid ko. Pigil ang kilig niya na nakatingin sa kanyang cellphone kahit halata naman sa kamatis niyang pisnge. "Dinner's ready!" Inilapag ni Mommy ang mga pagkain sa harapan. "Sino si Nathan, Ally? Ba't may pa-cute siyang sinasabi sa iyo?" Nilakasan ko ang boses para marinig ni Mommy. Hindi ako nag-kamali dahil dali-daling hinablot ni Mommy ang cellphone ni Ally. "Who is this? Ally." Nang-aasar na tanong ni Mommy sa kanya. Natameme si Ally at mas lalong namula ang pisnge! Living Tomato na ang kapatid ko! Ilang minutong inasar ni Mommy si Ally about kay Nathan na ka-chat niya. Maraming tanong ang ibinato ni Mommy sa kapatid ko na lalong ikinainis niya. Pagkatapos niyang kumain ay padabog siyang nag-lakad paakyat ng hagdan at malakas na isinirado ang pinto ng kwarto niya. Natawa nalang kami sa naging reaksyon ni Ally. Umakyat na rin ako sa itaas pagkatapos kong tulungan si Mommy. I want to sleep now, ang bigat na ng mga mata ko. Hihiga na sana ako nang tumunog ang notification ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at humiga sa kama. Notification's: Someone message's you! From: Hugo Valdenor.             Hi Stella, I know that I disturb you but pwede bang maka-hingi ng pabor? Uhm, I just want to tell you na liligawan ko na si Bridget and I want it to be memorable with her. Can we meet tommorrow? Liligawan na niya si Bridget? Pero paano na ako? Aish! Ano ba itong iniisip mo Stella?! Ang kaibigan mo ang gusto niya! At kahit kayo man ang itinadhana hindi ka pa rin niya magugustuhan! Napatingin ako sa daliring may pisi. May tumulong luha doon. Akala ko isang patak lang pero may kasunod pa pala? Napangiti ako ng mapait. Ang sakit palang tignan ang pising to. Nakakawasak ng puso. Pinatay ko ang cellphone at tumitig lang sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak ngayon. Nasaktan ba ako? No! Hindi ako nasaktan. Isang oras din akong nakatitig sa kisame bago hayaang pumikit ang aking mga matang puno ng luha. Nasa school na ako at papasok na sa classroom. Muntik ko nang mabitawan ang dala kong libro dahil sa pag-sulpot ni Hugo sa harapan ko. Iniwas ko ang tingin sa mga mata niya at hindi ko sinadyang madapo ang tingin ko sa daliri niya. Iniwas ko din agad ang paningin ko dahil may namumuong luha na sa mga gilid ng mata ko. Hindi ko kayang tignan ang pulang pisi na nakakapag-pasakit sa akin. "Goodmorning Stella!" Masayang bati niya. "G-Goodmorning too Hugo." "Nabasa mo naman ang text ko sa iyo kagabi diba? Halika na! Mag-usap muna tayo sandali sa cafeteria." "May klase pa ako Hugo." "Nah. Don't worry sasabihin ko kay Ma'am Pelaes na pinatawag tayo sa office ni Dean. Now, let's go!" Tututol na sana ako kaso bigla niyang hinila ang kamay ko Biglang nag-slow motion ang paligid, napatingin ako sa likuran ni Hugo hanggang sa mapatingin ako sa kamay niya at kamay kong mag-kahawak. Alam kong wala siyang naramdaman sa pag-kakahawak ng kamay namin at ako lang ang may nararamdaman. Ako lang ang nakakaramdam. Malas pa dahil hindi kasiyahan o kilig. Sakit ang nararamdaman ko, Hugo. Huminto kami sa kakatakbo at nag-lakad papasok ng cafeteria. Humanap kami ng bakanteng upuan para doon simulan ang masakit na usapan. Bumuntong hininga siya at nag-salita. "I want it to be memorable so please can you help me Stella?" Nakatingin lang ako sa mga mata niyang puno ng pag-mamahal para kay Bridget. "Wala na akong ibang malapitan kundi ikaw dahil ikaw ang malapit na kaibigan ni Bri." "Oo na Hugo tutulungan kitang marinig ang OO ng kaibigan ko." Pilit akong ngumiti kahit ang awkward na para sa akin. Sumilay ang napaka-ganda niyang ngiti sa labi. "Talaga?" "Talaga. Kahit masakit para sa akin. Tutulungan pa rin kita." Sabi ko sa sarili. "Ano?" "Nah, nevermind. Kailan ang proposal mo kay Bridget?" Iniba ko ang usapan. "Mamaya." Taas noo niyang sabi. Bahagya akong tumawa. "Mamaya." Be ready Stella Santa Ana. Ready yourself and ready your heart. Napatingin ako sa pulang pisi na kumikinang sa ganda pati na rin sa daliri ni Hugo. Kumirot bigla ang puso ko dahil alam ko na ang mangyayari mamaya. Nandito ako ngayon sa Restaurant na binayaran ni Hugo para sa proposal niya mamaya kay Bridget. Nandito rin ang mga kaibigan ni Hugo para tulungan kami sa pag-hahanda at pag-dedecorate sa Restaurant. Nakita ko si Hugo na halatang kinakabahan at pabalik-pabalik ng upo at lakad. Nanatili lang akong nakatitig sa bawat ginagawa niya. Halatang mahal niya nga talaga ang kaibigan ko. Alas-singko ng hapon ay dapat tapos na sa pag-hahanda dahil susunduin ko na si Bridget, abala ang mga kaibigan ni Hugo sa pag-aayos sa kanya. Nang matapos ang pag-aayos sa kanya ay lumapit siya sa akin. "Kinakabahan ako Stella." Kahit masakit ay ngumiti ako. "Aysus, kaya mo yan. Handa ka na ba? Susunduin ko na siya." Tumango siya't niyakap ako bigla. "Salamat dahil tinulungan mo ako Stella." Kumalas siya at dumiretso sa mga kaibigan niya. Mapait akong nakangiti habang nag-lalakad si Hugo. It's time Stella, are you ready self? Nag-paalam ako sa kanila na susunduin ko na si Bridget. Pag-kalabas ko palang ay nag-simula nang tumulo ang mga luha ko, hinayaan ko ito na rumagasa sa aking pisnge. Nakarating na ako sa hallway ng School at nag-lakad papuntang classroom ni Bridget, mukhang nag-silabasan na ang mga estudyante. Lagot ako kay Mama neto pag-nalaman niyang nag-cut ako ng class. Binuksan ko ang pintuan at nagulat sa aking nakita. Si Bridget na may kahalikang lalake! Mukhang hindi nila napansin na nandito ako. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Hugo. "Stella?" Bumalik ang atensyon ko kay Bridget na bahagyang nakalayo sa lalake. "Umalis ka." Turo ko sa lalake. Umalis ito agad. "Sira ka ba Bridget?!" Hindi ko na-control ang boses at sinigawan ko siya. "Nakikipaghalikan ka sa lalakeng yon?! Paano na si Hugo? Alam mo bang mahal na mahal ka niya?" "Yes, I know but Peter is my boyfriend." Nag-pipigil na akong saktan siya. "Yong lalakeng kahalikan mo kanina?" Tumango siya. Hindi niya sinabing may nobyo na pala siya pero paano na si Hugo? Iiwan nalang niya basta-basta? "Halika samahan mo ako." "Hindi ka na galit Stella?" Tumango ako at naunang mag-lakad. Lumingon ako sa likuran at nakitang nakasunod si Bridget sa akin habang nag-tatype sa kanyang cellphone. Malapit na kami sa Restaurant kaya sinabayan ko siya mag-lakad para hindi mahalata ni Hugo. Nasa harap na kami ng pintuan. "Dito ka lang muna ah, may kukunin lang ako." Tumango siya habang nasa cellphone ang atensyon. Pumasok ako at nag-signal kina Hugo na nandito na siya. Nataranta sila kung saan pupwesto, nang makahanap na sila ng lugar ay inutusan nila akong patayin ang ilaw. Lumabas ako at hinila si Bridget papasok. "Teka, ano ba ito Stella? Ba't walang ilaw?" Pinindot ko ang switch kasabay ng kanta. Tinignan ko si Bridget na may gulat sa mukha. Lumayo ako sa kanya at nakitang isa-isang nag-labasan ang mga kaibigan ni Hugo. Hanggang sa lumabas na siya. May dala siyang Bouquet of White Roses at dahan-dahang lumapit kay Bridget. Tulala ang kaibigan ko sa mga oras na ito. "Alam kong nabigla ka sa ginawa ko ngayon pero sapat na ba ang tatlong taon na pag-hihintay ko saiyo, para ako'y sagutin mo nang OO?" Naluluha na si Hugo sa harapan ni Bridget. Hindi nag-salita ang kaibigan ko kaya nag-patuloy si Hugo. "Nung araw ng ating unang pag-kikita ay sigurado akong ikaw na nga. You rejected me so many times yet I still like you Bri." "One day you joined our Soccer team and todo ngiti ako sa araw na yon dahil palagi na kitang makikita. Sa araw ding yon ay nakaramdam ako nang selos, dahil nakita kitang may kausap na lalake at mukhang masaya ka kasama siya. I told myself na hayaan ka nalang pero hindi nakikisama ang puso ko e." Kumikirot ang puso ko sa bawat sinasabi ni Hugo. "Then you let me to become your friend. Alam mo bang kahit kaibigan lang ay parang nasa Cloud 9 na ako? Nakakatawa isipin no?" "Hugo." Sambit ni Bridget sa pangalan nito. "And nung unang sambit mo sa pangalan ko ay may kiliti agad na epekto sa buong katawan ko Bri." Lumuhod si Hugo kay Bridget. "Now for the last words I want to say. Bridget Dela Cruz will you be my girlfriend?" Lumingon si Bridget sa gawi ko. Basang-basa ko sa mata at mukha niya ang pag-dadalawang isip. Umiling ako sa kanya, dapat hindi siya pumayag dahil madaming tao ang masasaktan niya kasama na si Hugo. Ayaw kong masaktan ang lalakeng walang ibang ginawa kundi mahalin nang totoo ang kaibigan ko. Bumalik ang tingin ni Bridget kay Hugo na nag-hihintay nang magiging sagot niya. Bumuntong hininga ang kaibigan ko at may lumabas na ngiti sa labi. Hindi ko gusto ang isasagot niya, hahakbang na sana ako para pigilan siya ngunit na sabi na ni Bridget. "Yes, Hugo Valdenor." Napatalon si Hugo at masayang sumuntok sa ere. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. "Yes! She's my girlfriend now!" Nag-paikot ikot nang talon ang lalake at humarap kay Bridget para yakapin ito. "Thank you Bri, I love you." Humalik siya sa sentido ni Bridget. Ngumiti si Bridget at hinalikan sa pisnge si Hugo. "I love you too Hugo." Ramdam ko ang mga luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata. Humakbang ako palabas ng Restaurant at binuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala ako sa katinuan na nag-lalakad habang patuloy na tumutulo ang nga luha ko. Wala akong karapatan na mag-inarte o umiyak man dahil hindi naman kami ni Hugo. Wala akong karapatan na magalit sa kaibigan ko dahil siya ang gusto ng lalakeng itinadhana para sa akin. Wala akong laban e. Baliktarin man natin ang mundo, alam na nating talo ako! Simula palang nang istoryang ito talo na ako. Mapait ako tumawa habang minamaliit ang sarili ko. Sarili ko lang naman din ang kalaban at kakampi ko ngayon. Nag-text si Hugo kung bakit agad daw akong umalis pag-katapos nang proposal niya. Binasa ko lang ang  mensahe at agad ibinalik sa bulsa ang cellphone ko. Nag-para ako ng taxi dahil gusto ko nang umuwi, sobrang napagod ako ngayon. Emotionally and Physically. Nadatnan ko si Ally sa labas ng pinto habang naka-upo. Nakalimutan kong sunduin siya kanina. "San ka nag-punta ate? Ilang oras akong nag-hintay sa iyo kanina sa classroom." Reklamo niya sa akin. "Sorry, sis. I forgot, marami akong ginawa ngayong araw. I want to get a nap." Napagod ako sa pag-iyak ko. I used a fake smile at umakyat na sa itaas. Halata sa mga tingin ni Ally kanina ang pag-aalala niya sa akin. Never pa akong naging ganon sa kanya, ngayon lang dahil nasaktan ako. Pumasok na ako sa kwarto at agad napaupo sa sahig. Ayaw kong mag-break down pero ang sakit sa dibdib pag-pinipigilan. Wala akong nagawa nang isa-isang tumulo ulit ang mga luha ko. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko dahil biglang nag-tumunog. Hugo's calling me. Nag-dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. But.... "Hello? Stella?" I pursed my lips when I heard his voice. "Hello Hugo, 'bat napatawag ka?" "I just want to say thank you for helping me. I can't explain my feelings right now! I am so happy! Thank you for everything Stella." Masaya sa pakiramdam pag-may nag-ta-thank you pero 'bat parang masakit ang nararamdaman ko ngayon? Nabaling ang atensyon ko sa pag-litaw ng pulang pisi sa pinky finger ko and I know his red string glanced right now. "Hello Stella? Nandyan ka pa ba?" "Yes, and you're welcome Hugo. Congrats nga pala kanina! Napasagot mo yung kaibigan ko." I laughed. Naring kong bumuntong hininga siya bago tumawa. "Hmm, I didn't expect her answer. Nakakaabala na masyado ako Stella." Hindi ako sumagot. "Bye Stella!" "Bye."  Our conversation ended. ___ Nakahiga na ako sa kama pero hindi parin ako makatulog dahil sa patuloy na pag-kislap nang pising nakatali sa daliri ko. Wala akong magawa kundi titigan ito. Tapos na akong umiyak kanina pa. I want myself to be immune, yung wala na akong maramdaman na sakit sa tuwing titingin ako dito. Sakit? Nasasaktan? Bakit ba ako nasasaktan? Una, wala akong gusto kay Hugo pero bakit nasasaktan ako nang ganito? Okay, aaminin kong nag-kagusto ako sa kanya nung elementary pa ako pero nag-laho na yon nang nalaman kong gusto niya ang kaibigan ko! Tumigil ako sa pag-papantasyang magustuhan niya ako pero 'bat nangyayari 'to sa akin? Alam kong masasaktan lang ako. Alam na alam ko 'yon Tadhana. ___ "Stella? Si Mommy ito, pwede ba akong pumasok anak?" Bumangon ako para pag-buksan nang pinto si Mommy. She's wearing a maroon night dress at may hawak siyang tray nang pagkain at isang baso ng milk. "I know you're awake honey, hindi ka nakakatulog pag-hindi ka nakakainom ng milk mo." She chuckled. Inilapag niya ang tray sa kama ko. "Kumain ka na." "Thank's Mommy." "What's bothering you honey?" I automatically paused. She know me very well. "Nothing." I answered. "Kilalang kilala kita Stella Marie Santa Ana." Natatawa ako pag-sinasabi niya ang buong pangalan ko. It sounds weird for me. "Stella only, Mommy." She laughed at me and nodded. "Now, tell me everything. I'll listen." I'm so lucky to have you Mommy. "Oh! It's your sleep time Mommy, 10:00 pm na you need to rest." I hugged her. "Honey," "It's nothing that I can handle Mom. No need to worry. Good night and I love you." Hindi parin kumbinsido si Mommy sa sinagot ko. "Okay Stella, I am here when you need me. Good night baby, Mommy loves you too." She gently kissed my forehead. Lumabas na si Mommy sa kwarto ko. Inubos ko muna ang pagkain na dala niya bago nag-sipilyo at humiga sa kama. Tinignan ko ulit ang daliri ko at nakitang wala na ang pisi. Nag-laho saglit pero hinding-hindi mawawala ng permamente. Nakaramdam na ako nang antok. Hinayaan kong bukas ang ilaw dahil natatakot ako pag-nilalamon ako ng dilim. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD