ADA'S POV Naikot nga namin ni Ren ang SNL Company at talaga namang malaki rin ito pero mas malaki pa rin ang Le Gran. Mas kilala at mas kinikilala pa rin talaga ang Hotel Le Gran kaysa sa SNL Company. "You want to have some coffee, Ms. Torres, Ren?" aya na tanong bigla ni Dark sa amin ni Ren. Tumingin naman muna ako kay Ren, baka kasi ayaw niya. "Okay lang po ako, Sir Dark," sagot naman nito kahit hindi ko naman tinatanong. “Busog pa po ako at saka nagkape na po ako kanina sa boarding house bago po kami nagkita ni Ma’am Ada,” saad nito. Alam na rin kasi niya ang tingin ko kaya naman iyon na ang naging sagot niya. Napatango naman ako nang marahan dito na hindi naman nakita ni Dark. "I'm fine, too, Dark, thank you,” baling na sagot ko naman dito. "Ada, com

