Okay na ang lahat. Na-close na ang deal at pumayag na rin si Mr. Lee sa sinabi namin na gusto nang masimulan ni Mr. Salazar ang pagpapatayo ng Hotel sa Visayas. Okay na rin kami ni Frolic dahil naayos na rin namin ang maliit naming hindi pagkakaintindihan. Okay na nga kami. Pumayag siya pero alam kong may doubt pa rin sa kanya. Well hindi naman talaga ganoon kadaling mawala ‘yon pero gaya nga nang sabi ko sa kanya, kung mahal talaga niya ako, he will trust me. At isa pa, hello, may girlfriend si Dark! Hay nako. "Ma'am…" tawag sa akin bigla ni Ren. Hindi kasi kami naihatid ni Frolic dahil may meeting sila with the stockholders kaya kami lang ni Ren ang pumunta sa place na sinabi ni Dark na pagkikitaan namin. "Yes?" baling ko rito. "Ayon na po si Sir Dark,

