Chapter 45 Bumalik kami sa Maynila at hindi ko alam kung papagalitan ko siya sa ginawa. "Kung humandusay lang tayo diyan sa gilid ay bahala ka na," inis na wika ko saka padabog na binagsak ang sarili sa couch. "We'll not die yet. Not very soon," seryosong sabi naman niya saka ako hinila at pinaupo sa kanyang hita. "Don't leave me again. Promise me," nakatitig na wika niya sa akin at ninanais makatanggap ng sagot. Bumuntong hininga ako. "Hindi naman ako aalis kung walang rason. This is for us. But alright, I won't leave you again," sukong saad ko sa huling sinabi. "Don't break your promise," aniya saka marahang hinalikan ang aking noo. Magtatakip-silim na at siya na rin ang nagluto kaya hinayaan ko lang siya sa kusina. Pinanood ko siya sa ginagawa at namamangha sa galing niya sa pag

