Chapter 21 Mabilis akong lumabas sa gate baka sakaling naroon pa si Noven. Napalunok ako nang makita sa ilalim ng puno ang kanyang sasakyan. Ilang sandali pa ay nakita ko ang dalawang sasakyang paparating at iniluwa nito ang dalawa niyang kaibigan. 'Anong mayroon?' Nilapitan ko sila at tinaasan ng kilay ang dalawa niyang kaibigan na sina Steve at Walter. May atraso pa sa akin ang dalawang ito kaya hindi pwedeng hindi ko sila sungitan. "Narito pala ang mga kunsintidor mong tropa," panimula ko nang makalapit sa kanila. "Yes, she already knew about the bet," sabad ni Noven saka yumuko. Ngumiti si Steve. Iyong awkward na ngiti. "Huwag mo akong mangiti-ngitian diyan Steve. Akala ko mabait ka, luko-loko ka rin pala," wika ko saka siya inirapan. "Sorry na, Elle. Itong gagong 'to kasi,"

