Zyra * * " Huminga ako ng malalim namumula ang mukha ko sa galit. Nakasuot lang ako ng pampatulog na lumang pajama at butas-butas na t-shirt. Tapos isasama ako ni Sir Leo papunta sa office niya. Nakakahiya talaga pagtatawanan ako ng mga empleyado niya. Hindi ko talaga alam kung bakit napunta ako sa ganitong setwasyon. Pakiramdam ko pinagplanohan ni Tito at Kuya na mapunta ako dito kay Sir Leo. Pagdating sa harapan ng malaking gusali nagmamadali na lumabas si Sir Leo pinagbukas ako ng pinto nakangiti pa siya habang inaalalayan ako palabas ng sasakyan. Binato niya ang susi sa lalaking nakasuot ng black suit. sinalubong din kami ng mahigit Sampong mga kalalakihan na naka suit. " Good morning Mr Shoun. " Magkakasabay na bati nila Pero hindi sila pinansin ni Sir Leo nakatuon ang pansi

