"Arthus?" Ngumiti ang binata nang tawagin s'ya ng matandang babae. "Nay, kanina po, ang sabi ko....." Lumingon ang binata kay Calla na ngayon ay wala nang suot na mask at sombrero. "Pagbalik ko rito ay kasama ko na po ang matagal n'yo nang pinapangarap na makita." Nanlaki ang mga mata ng mga taga-rito. Agad nitong tiningnan silang tatlo ngayong naglalaro na sa mga isipan ng mga ito na isa sa tatlong babae na narito ay si Calla. "Magandang araw po sa inyo," wika ni Calla. Mas lalong gumumhit ang gulat sa mga mukha ng mga taong narito nang magsalita at magtagalog s'ya. Ang dalawang matatanda at ang mga halos kaedad lang ng kaniyang mama ay kanina pa hindi naalis ang mga paningin nito sa kaniya. *"Are they seeing mama in me? I have the biggest resemblance on her."* sambit ni Call

