Araw nang operasyon ng dalagang si Zandra. Lahat kabado maging ang mga anak nila. Ipinaalam nila Zapper at Zandra na magpapa-opera ang huli para gumaling na nang tuluyan. Pinakiusapan rin ni Zandra si Julio na makipag-ayos na ito sa ama. "Anak, hindi ba ang sabi ng Nanay, huwag magtatanim ng galit? Masama iyon, hindi ba? Ayokong dumating ang araw na kainin ang puso mo nang galit at lahat ng tao sa paligid hindi mo na kakausapin. Malulungkot ang Nanay kapag nangyari sa iyo 'yun, anak ko. Please, patawarin mo na si Tatay, hindi naman niya kasalanan ang nangyari sa akin," malambing na wika ni Zandra sa anak niyang lalaki. Nasa tabi niya naman si Zapper na nakikinig sa usapan ng magina. "Opo, Inay, sorry po. Hindi ko po sinasadya. Ayoko kasi na may taong mananakit sa iyo o kay Julia, eh.

