DAY TWENTY-EIGHT SETH “WALA ka na ba talagang plano na umuwi dito sa Pilipinas Seth Eros? Your father is too old to handle our businesses!” Hinilot ko ang gilid ng noo ko napaupo at pagod na napasandal sa malamig na pader. “Ma, please if you’re just going to call for this—” “Inuubos mo ang pera mo sa pagpapagamot sa babaeng ‘yan! You think I didn’t know that you’re selling your properties here just to sustain her medical needs! Nagkausap din kami ni Tito Jose mo and he said na nag-aapply ka for a bank loan. What about my apo? Paano na ang pag-aaral niya? Seth Eros wake up! Ilang buwan na ba kayo diyan?! May nangyayari ba? She’s getting worse hindi ba—” “Shut up Ma! Shut up!” malakas kong sigaw hindi na napigilan ang sarili. Malalim akong bumuntonghininga at pinalis ang luhang kumawala

