Kabanata 2

2230 Words
Ang mga sumunod na araw sa opisina ay tila isang walang katapusang pagtitipa ng mga numero, sa spreadsheets, at pressure dahil sa mga deadline na kailangan kong i-submit. Mula alas-otso ng umaga, hindi ko na binitawan ang aking mouse. Ang bawat click ay tila pag-pitik ng ulo ko sa sakit dahil sa puyat at pagod. Bilang Senior Analyst, sa akin nakasalalay ang huling pagsusuri ng mga financial statements bago ito iharap sa board. Hanggang sa itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa at hindi na namalayan na tapos na pala ang lunch break. Hindi ko man lang naramdaman ang gutom dahil sa pagiging abala ko. Bandang hapon, alas-dos iyon to be exact nang maramdaman ko ang matinding pagod kaya nagpasya ako na lumabas sa aking working station. Pumasok ako sa banyo para makapag-relax kahit papaano, ini-lock ang pinto, at sumandal sa malamig na tiles. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking slacks. Nakasanayan ko nang tawagan si Mark kapag sobrang stress ako—hindi para mag-usap, kundi para magpa-reserve ng "session" mamayang gabi para mailabas ang lahat ng stress sa katawan ko. Ngunit bago ko pa mapindot ang pangalan niya sa contact list ko, natigilan ako. Ay, oo nga pala. Wala na kaming relasyon at nakipaghiwalay na ito nang araw na ‘yon. Iyon na pala ang una't huli naming pagkikita. Napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil mas lalo lamang bumigat ang stress na dala-dala ko. Kailangan ko na naman tuloy maghanap ng taong tutulungan akong ilabas ang lahat ng init ko sa katawan kapag kailangan ko. Naalala ko pa ang galit na mukha ni Mark nang gabing ‘yon habang sinasabihan na isa akong masamang tao o halimaw daw. Napatawa ako nang mahina—isang mapait at sarkasmong tawa. Wala akong pakialam kung iniwan niya ako, ang tanging problema ko ay kung sino ang susunod na gagamitin ko para mapawi ang init na laging nananalaytay sa aking mga ugat. Pagbalik ko sa aking work station, bumungad sa akin ang kumpulan ng mga katrabaho ko. Nagbubulungan sila habang nakatingin sa akin, ang iba ay may halong awa, ang iba naman ay tila masaya pa. Wala akong ideya kung bakit at wala akong planong alamin dahil may mga importanteng bagay ako na dapat unahin. Agad na lumapit sa akin si Sarah, ang pinakamalapit kong kaibigan sa opisina. Hawak niya ang kaniyang cellphone at tila balisa. “Charlotte... okay ka lang ba?” mahina niyang tanong. “Bakit naman ako hindi magiging okay, Sarah? Tambak ang trabaho ko, kung hindi niyo napapansin,” sagot ko habang nauupo at muling binubuksan ang aking monitor. “Kasi... kasi kumakalat 'yung picture ni Mark sa IG. May kasama siyang ibang babae sa isang coffee shop sa Makati kaninang lunch. Sobrang sweet nila, Charlotte. Akala ko ba kayo pa? Bakit parang... parang pinagpalit ka na niya agad?” may halong galit na sabi ni Sarah. Napahinto ang mga katrabaho ko sa pagtsi-tsismisan, naghihintay ng magiging reaksyon ko. Inaasahan nilang iiyak ako, maglulupasay, o kaya ay hihimatayin sa tindi ng sakit. Ngunit dahan-dahan ko lang silang tiningnan—ang mukha ko ay blangko, walang kahit anong emosyon. “Break na kami simula pa kagabi,” simpleng sagot ko. “At kung may bago na siyang kinalolokohan, problema na niya 'yun. Ngayon, kung wala na kayong gagawin kundi mag-tsismis, pakibalikan na ang mga reports niyo. Malapit na ang deadline.” Natahimik ang lahat. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Siguro ay iniisip nilang masyado akong matatag o sadyang manhid. Hindi nila alam na sa isip ko, iniisip ko lang kung gaano kadaling palitan ang isang gamit na sira na.Inshort, kaya ko maghanap ng lalaki, kahit ilang lalake pa at hindi para maglupasay at mag-iiyak sa lalaking walang bayag. Hindi na sila muling nak-usyoso sa buhay ko at kusang nagsi-balikan sa mga pwesto nila. Ganoon din ang ginawa ko at bumalik na ako sa trabaho hanggang sa lumubog ang araw. Halos alas-siyete na nang gabi nang makatanggap ako ng message mula kay Mommy. Hindi ko na nga namalayan dahil pinilit ko talagang tapusin ang trabaho ko ngayong araw. Napamura pa ako sa isipan ko ng makita ang text ni Mommy sa akin. Nakalimutan ko nga pala ang dinner namin ngayon dahil ipapakilala niya ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Mommy: Charlotte, don't forget our dinner date at The Grand Hyatt. 8:00 PM sharp. Dress to impress, anak. Kasama ko ang "special someone" ko. See you there! Nagmadali akong lumabas ng opisina. Dahil sa dami ng ginawa ko, hindi na ako nakapag-ayos. Ang aking blusa ay medyo gusot na, ang buhok ko ay may mga takas na hibla, at ang mukha ko ay bahagyang namumula dahil sa pagmamadali patungo sa parking lot. Haggard na haggard ako, ni hindi ko na naisipan pang mag-apply ng powder sa oily kung mukha. Mabilis lamang ang byahe dahil malapit lang ang hotel sa pinagtatrabauhan ko. Pawis na pawis pa ako nang makarating sa hotel, ang aking paghinga ay malalim at mabilis dahil nga sa tinakbo ko simula parking lot papuntang hotel. Pagpasok ko sa marangyang restaurant ng hotel, agad kong nakita si Mommy sa parteng dulo. Napakaganda niya sa kaniyang pulang dress, habang ako ay mukhang isang pagod na empleyadong naligaw sa isang marangyang lugar. Mukha akong manlilimos. “Charlotte! My god, look at you!” bungad ni Mommy, ang kaniyang kilay ay magkasalubong sa inis. “Sabi ko mag-ayos ka, bakit ganyan ang hitsura mo? Mukha kang galing sa gyera!” “Sorry po, Mommy. Sobrang dami lang pong ginawa sa office—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumingin si mommy mula sa likuran ko. Ang kaninang kilay niyang nakangunot ay nawala at bigla na lamang siya ngumiti ng napakalapad. Doon ko naramdaman ang presensya ng isang tao sa likuran ko.Isang nakakakilabot na presensya ang nakatayo sa likuran ko. “It's alright, Elena. She looks... dedicated to her work. That's a good trait,” sabi ng lalaki sa likuran ko. Ang boses na 'yon. Malalim, baritono, at puno ng awtoridad na kahit sino ay manginginig. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod bago pa man ako lumingon. Ang bawat salita niya ay tila haplos sa aking balat na nagpapatayo ng aking mga balahibo. “Oh dear, pasensya kana sa anak ko, hindi ko siya napagsabihan ng maayos,” paumanhin pa ni Mommy pero hindi sa kanya ang atensyon ko kundi sa lalaking na sa likuran ko. “It’s okay, let’s have a seat.” Dahan-dahan akong lumingon. Dahan-dahan ako nagtaas ng tingin hanggang sa tuluyan ko ng makita ang lalaking kinababaliwan ni Mommy. Bigla na lamang tumigil ang mundo ko ng makita ko siya. Ang lalaking nasa harapan ko ay suot ang isang bespoke business suit na lalong nagbigay ng magandang view sa kaniyang matikas na pangangatawan. Ang kaniyang buhok ay may kaunting putting buhok na mas lalong nagpa-hot sa kanya. Ngunit ang pinaka-nakakagimbal ay ang kaniyang mga mata ang abuhin at matatalim na matang gabi-gabi kong tinititigan sa nakatagong larawan sa ilalim ng aking cabinet. Siya 'yun. Ang lalaki sa larawan. Ang lalaking pinagpapantasyahan ko habang nagsasarili. Ang lalaking pinapangarap ko ay nakatayo sa harapan ko. Gusto kong matuwa pero nang pumaling ang mga mata ko kay Mommy doon nawala ang sayang nararamdaman ko. “Charlotte,” tawag ni Mommy sa akin habang nakangiti nang malapad, “I'd like you to meet Julian. Julian, this is my daughter, Charlotte.” Inabot ni Julian ang kaniyang kamay sa akin. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi, ngunit ang kaniyang tingin ay tila tingin lamang ng ama sa anak. Bigla akong pinanghinaan ng loob. “Nice to finally meet you, Charlotte,” aniya. ~~ Naupo kami sa isang round table na nababalot ng puting linen. Sa bawat kislap ng kristal na chandelier sa itaas, tila mas lalong tumitindi ang tensyon sa dibdib ko. Katapat ko si Julian, habang si Mommy ay nasa gilid niya, panaka-nakang humahawak sa braso ng lalaki na tila ba ipinangangalandakan sa buong mundo na pag-aari niya ito. “The wine is excellent, isn’t it?” wika ni Julian habang marahang inikot ang baso ng red wine. Ang kanyang mga daliri—mahahaba, malinis, at bigla na lamang ako nakaramdam ng init. Iwinaksi ko ang isipin na ‘yon dahil kasintahan siya ni Mommy. Mukha naman siyang mabuting tao kaya ako na rin mismo ang nahihiya sa sarili ko sa mga bagay na naiisip ko. “Nagustuhan mo ba ang wine, Charlotte?” tanong pa niya sa akin kaya naman pasimple kong inalis ang bara sa lalamunan ko bago sumagot. “O-opo,” sagot ko, pilit na ibinabaling ang tingin sa aking pagkain. Pero hindi ko mapigilan. Sa tuwing susubo ako, nararamdaman ko ang kanyang mga mata. Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa mergers at acquisitions. Si Julian ay isang titan sa mundo ng real estate, at si Mommy naman ay abala sa paghanga sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Inshort isang bilyonaryo ang lalaking ito at nakaramdam ako ng matinding inggit. “You know, Julian,” ani Mommy habang humihigop ng wine, “Charlotte here is a Senior Analyst. She’s very dedicated. Masyadong seryoso sa buhay, kaya siguro hanggang ngayon ay wala pang dinadalang lalaki sa bahay.” Tumingin si Julian sa akin, itinaas ang isa niyang kilay. “Is that so? A woman as beautiful and intelligent as Charlotte... impossible na walang nagtatangkang manligaw.” Uminit ang aking pisngi. Kung alam mo lang, Julian, ang ginawa ko sa loob ng SUV noong isang araw, baka bawiin mo ang salitang ‘intelligent and innocent’. “Believe it or not, Julian, my daughter is an NBSB—No Boyfriend Since Birth,” tumatawang dagdag ni Mommy. “Masyadong inosente ang batang ‘yan. Minsan nga nag-aalala ako baka tumanda siyang dalaga.” “What an innocent, girl. Napaka-swerte ng lalaking mamahalin niya,” sabi ni Julian. Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Inosente. Ang salitang iyon ay parang sampal sa akin habang kaharap ang lalaking laman ng aking mga pinakamaruming panaginip. Tumingin ako kay Julian at nakita ko ang isang kakaibang kislap sa kanyang mga mata—isang mabilis na pagbabago ng ekspresyon na tila ba nakuha ang kanyang interes. “Excuse me for a moment, loves,” biglang tumayo si Mommy. “I just need to retouch. Don’t start the dessert without me.” Nang makaalis si Mommy para mag-retouch, naiwan kami ni Julian at ang katahimikan sa pagitan namin ay nakakabingi para sa akin. Hindi ko na rin magawang ituloy ang pagkain ko kaya naman pinaglaruan ko na lamang ito gamit ang hawak na tinidor upang kahit papaano ay mawala ang init at tensyon na nararamdaman ko. Ramdam ko rin ang bigat ng titig ni Julian, tila ba binabasa niya ang bawat iniisip ko. “So, Charlotte...” panimula niya, “NBSB ka pala, ayon sa Mommy mo. Is that true? Or are you just very good at keeping secrets?” Napaangat ang tingin ko sa kanya. Ang mga abuhin niyang mata ay tila nang-uuyam. “Bakit niyo po naitanong, Tito? Hindi ba kayo naniniwala kay Mommy?” Sumandal pa siya lalo sa upuan niya at kinuha ang wine at nilagyan ang baso niya atsaka iyon dahan-dahan kinuha at sumimsim. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi ko siya titigan. Simula sa mapipilantik niyang mga kamay patungo sa labi niya at kung paano niya lunukin ang wine na ‘yon. “Baka kasi natatakot ka lamang sa Mommy mo kaya naman inililihim mo ang pagkakaroon ng nobyo. I know what you’re going through lalo na at nag-iisang anak ka pa.” “Hindi lamang talaga ako mahilig sa lalaki, Tito. Beside, masyadong busy sa trabaho kaya naman hindi ko na napagtuunan ng pansin,” pagsisinungaling ko. “Gusto mo bang ipakilala kita sa pamangkin ko? Same age kayo and na sa IT industry naman siya. He’s a good man just like me,” sabay tawa pa niya ng mahina. Kaysa matuwa nakaramdam ako ng inis, bakit niya ba ako nirereto sa iba kung siya nga ang gusto ko. “It’s okay po and hindi ko rin talaga mapagtutuunan ng pansin.”sabi ko na lamang bago dumating si Mommy na maayos na ngayon ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok. “I’m back! Did I miss anything?” masayang tanong ni Mommy bago umupo sa tabi ni Julian. Binalingan ko naman ng tingin si Julian at ang masayang ngiti niya sa labi ang sumilay sa akin bago hinalikan si Mommy sa uluhan. Nagtawanan pa sila sa harapan ko kaya naman wala akong magawa kundi umiwas ng tingin. “Nothing much, Elena,” sagot ni Julian,“Nagkakilala lang kami nang bahagya ng anak mo. She’s... very dedicated. Just like you said.”aniya. Matapos ang isang oras ay doon na rin natapos ang dinner namin, hindi na ako sumabay sa kanilang dalawa. Bagkus sumakay ako sa sarili kong sasakyan habang nanginginig ang mga kamay ko. Dito na kumawala ang lahat ng takot, selos, inggit at galit na kanina ko pa tinitiis. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lahat ng babae na pwede kong maging kaagaw bakit si Mommy pa? K-Kaya ko bang saktan si Mommy para sa pansarili kong kagustuhan? Kaya ko bang sirain ang relasyon namin dahil lamang sa lalaking nais at pantasya ko? Hindi ko na alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD