Matapos iyon ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Nagre-request pa nga sila ng isa pang kanta pero tumanggi na ako. Sinabi ko nalang sa kanila na sa susunod ulit, kakantahan ko sila. Tumabi na ulit ako sa mga kaibigan ko at bigla nila akong niyakap kaya naipit kami ni Enzo sa isa't-isa. Ano ba 'yan? Anong meron sa kanila? Parang mga sira 'tong mga 'to. Haha.
"Bakit? Ano na namang ginawa ko?" natatawang tanong ko sa kanila.
"Ikaw kasi, eh! Pinaiyak mo kami!" umiiyak na sambit ni Kate na may paghampas pa sa braso ko.
"Oo nga! Yan tuloy, nasira yung make up ko!" dagdag pa ni Luna habang pinupunasan ang luha sa kanyang mata.
Ako na naman ang may kasalanan? Ano bang ginawa ko? Kumanta lang naman ako, ah? Kasalanan ko ba kung talagang madrama sila? Haha.
"Bakit ako na naman? Hay, sige na nga. Okay, sorry na. Kasalanan ko na." nakangiting tugon ko sa kanila.
"Ang galing mo kasing kumanta pare, eh. Pati kami nadala sa emosyon nung kanta." sabi naman ni Vin sa kaliwa ko.
"Oo nga, pare. Sobrang galing mo kanina. Napaiyak mo kaming lahat dito." seryosong sabi ni Renz at sinuntok ang kaliwang braso ko.
"Sus! Para 'yon lang, eh. Wala 'yon. Kumanta lang naman ako at besides, kayo naman ang may gusto nun." natatawang sambit ko.
Nakatingin na kami ngayon sa harap kung saan nagsasalita si Mang Lando. Nagke-kwento siya ng mga naging buhay niya at tungkol sa mga usaping pag-ibig. Napatingin naman ako kay Enzo ng bigla siyang magsalita.
"Ang galing mo kanina, ah?" seryosong sambit niya.
"Salamat. Kumanta lang naman ako, eh." nakangiting sagot ko sa kanya habang nakaharap diretso sa nagsasalitang si Mang Lando.
"Yung sinabi mo kanina bago ka kumanta. Para sa'kin ba 'yon?" tanong niya kung kaya't napalingon ako sa kanya.
Di pa ba obvious? Siya lang naman yung bago naming kaibigan na brokenhearted, eh.
"Oo, para sa'yo yung kanta." sagot ko at humarap na ulit sa unahan.
"Bakit? Ano bang meron dun sa kanta?" tanong pa niya.
Hindi niya ba na-gets yung ibig sabihin nung kanta? Akala ko naman naintindihan niya dahil may paiyak-iyak pa sila. Tss.
"Hindi mo ba nakuha yung meaning nung kanta?" medyo malungkot na sabi ko.
Nagpaka-effort pa naman akong damahin yung kanta. Hindi niya rin pala naintindihan. Ano ba 'yan?
"Bakit? Ano ba ang gustong iparating sa'kin nung kanta?" tanong niya habang nakatitig sa'kin.
Nakatitig lang siya sa'kin habang ako nama'y nakaharap lang sa unahan. Medyo naiinis lang ako dahil mukhang hindi niya rin pala nakuha yung gusto kong iparating nung kanta. Paano ko ba ipapaliwanag 'yon sa kanya?
"Simple lang naman ang gustong sabihin nung kanta sa'yo, eh. Kahit wala na siya sa'yo, tuloy pa rin ang buhay mo. Kahit hindi ka na niya mahal, hindi ka matatakot magmahal ulit." paliwanag ko sabay lingon sa kanya.
Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko. Siguro ngayon, alam niya na yung gusto kong iparating? Sana nga kahit sa simpleng kanta ko lang na 'yon, nakatulong ako sa kanya.
Hindi naman siya muling nagsalita pa at humarap na ulit sa unahan. Natapos ang camp fire 11pm na ng gabi. Lahat nagsialisan na sa kanilang mga pwesto para bumalik ng hotel. Kaming anim nalang ang naiwan doon kasama si Mang Lando. Habang nag-uusap kaming magkakaibigam ay bigla nalang lumapit siya sa'min dala ang gitara niya.
"Singer ka ba sa Manila?" nakangiting tanong niya sa'kin.
Nagulat ako ng itanong niya 'yon. Ako? Singer? Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Luna.
"Supposedly, sir. First dream niya 'yan. Kaya lang, tumigil siya sa pagkanta nung high school."
"Bakit naman? Ang ganda ng boses mo, ah? Akala ko singer ka talaga." nanghihinayang na tugon ni Mang Lando.
"Matagal ko nang iniwan ang pagkanta. Mas nagfo-focus po kasi ako sa trabaho ko, eh. Nagpe-paint kasi ako." paliwanag ko sa kanya.
"Sus! Alam niyo Mang Lando? Hilig talaga niyan ang pagkanta dati pa, kaya lang napilitan siyang tigilan 'yon dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya." dagdag pa ni Kate.
Masyadong madaldal ang mga 'to. Palagi nalang nila akong pinapangunahan. Ugh.
"Oh, e bakit hindi mo ituloy? Hindi pa naman huli ang lahat?" tanong pa ni Mang Lando.
"Wala na ho kasi akong oras sa pagkanta, eh. Masyado po akong abala sa pagsisimula ng bagong buhay lalo pa't kaga-graduate ko palang. Kailangan kong magtrabaho." seryosong sagot ko.
"Then why don't you consider singing as a job?" tanong niyang muli na hindi ko masyadong naintindihan.
"Ano hong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"You know, magaling kang kumanta. You're talented at gwapo ka. May spot ka sa pagkanta and I'm sure maraming kukuha sa'yong kompanya kapag nagkataon." paliwanag niya.
"Oo nga, pare? Try mo." sabat ni Renz.
"Tama si Mang Lando, pare. Bakit hindi mo nalang ituloy yung pagkanta mo?" dagdag ni Vin.
Medyo napaisip ako sa sinabi ni Mang Lando. Singing? For a job? Bakit nga ba hindi? Kaya lang kasi natatakot ako, baka kapag nangyari 'yon maiwan ko ang pagpinta. Ayoko namang maging ganun yung resulta nun. First love ko ang painting at ayokong itapon nalang 'yon basta-basta.
Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang tahimik na si Enzo sa likod. Napunta lahat ng atensyon namin sa kanya at sa sinasabi niya.
"Why don't you try, pare? You have all the looks and talent. I'm sure, enough reason na 'yon para ipagpatuloy mo yung pagkanta. Wala namang mawawala sa'yo diba?" nakangiting sambit niya.
"He's right, iho. Tama ang kaibigan mo. May isa akong bar sa Manila at naghahanap kami ng singer na katulad mo. Kung okay lang sa'yo, ikaw yung gusto kong kunin para doon. Eto yung exact address at lugar. Pag-isipan mo. Hanggang kailan ba kayo dito sa El Nido?" sambit pa ni Mang Lando at ibinigay sa'kin ang isang calling card na hawak niya.
Nag-aalangan akong kinuha 'yon at tiningnang mabuti. Calling card 'yon doon sa bar na tinutukoy ni Mang Lando. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"2 weeks lang ho kami dito. Hayaan niyo po, pag-iisipan ko." sambit ko sa nakangiting si Mang Lando.
"Pag-isipan mo, ha? Babalik na kasi ako bukas sa Manila, eh. Hihintayin kita doon, iho. Oh, siya? Mauna na ko sa inyo. Magandang gabi." nakangiting sambit niya sabay tapik ng balikat ko.
Nagpaalam na rin sya sa mga kaibigan ko at naglakad na palayo. Matapos 'yon ay nilapitan agad nila ako para kulitin na naman sa offer sa'kin ni Mang Lando.
"Rylan, tanggapin mo na pare! Malaking tulong 'yan sa'yo, lalo na sa pagsisimula mo. Diba yun naman yung gusto mo?" sabi ni Vin at umakbay pa sa'kin.
"Kung kami sa'yo, pare. Tatanggapin na namin 'yang offer ni Mang Lando. Kung may boses nga lang ako katulad mo, ako na yung nagpresinta kanina. Kaso wala, eh. Kaya kumagat ka na, pare." dagdag ni Renz.
"Gaya ng sabi ko, pag-iisipan ko pa. Pagkatapos ng bakasyong 'to, ipapaalam ko na sa inyo yung desisyon ko." seryosong sabi ko at ginulo yung mga buhok nila.
"Sus! I know tatanggapin 'yan ni Rylan! Pakipot pa, eh! Hahaha!" hirit naman ni Kate.
"Oo nga. At the end of the day, babalik na rin 'yan sa pagkanta! Hahaha!" dagdag ni Luna.
Alam niyo? Minsan talaga mas marunong pa sa'kin 'tong mga 'to. Masyado silang advance sa mga desisyon ko. Hay buhay! Kutusan ko 'tong mga 'to, eh.
"Hay, ewan ko sa inyo. Matulog na nga lang tayo, balik na tayo sa hotel!" pagyayaya ko sa kanila na tinawanan lang ang sinabi ko.
Handa na sana kaming umalis pero nakita ko si Enzo sa malayo. Nakaupo lang siya doon at mukhang nag-iisip na naman. Ano ba naman 'tong taong 'to? Masyadong seryoso. Sigurado ako, si Janna na naman yung iniisip niya.
"Sige, mauna na kayo. Kakausapin ko lang si Enzo. Mukhang malalim na naman ang iniisip, eh." paalam ko sa kanila.
"Mabuti pa nga, pare. Kanina pa 'yan, eh." sambit ni Vin.
"Go na, kausapin mo na siya at baka kung ano pang gawin niyan sa sarili niya. Mukhang emo na naman, eh." dagdag pa ni Luna.
"Pakisabi nalang good night!" hirit pa ni Kate.
"Sige na pare, una na kami." sambit naman ni Vin at naglakad na palayo.
Nang makaalis na sila ay naglakad na ako papunta sa kinauupuan ni Enzo. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at diretsong tumingin sa kalayuan kung saan siya nakatingin.
"Mukhang malulunod na naman ako, ah?" pasimpleng tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Huh? Bakit?" seryosong tanong niya na napalingon sa direksyon ko.
"Ang lalim na naman kasi ng iniisip mo, eh." nakangising sagot ko.
"Ganun? Haha." medyo natatawang tugon niya.
Tingnan mo? Kung hindi pa ako nagbiro, hindi pa siya tatawa. Kailangan ba talaga ng iba? Para sumaya? Lols.
"Ano na naman bang gumugulo dyan sa isip mo?" tanong ko.
"Si Janna." seryosong sambit niya bago niya naalala yung game naming dalawa. "Oopss."
Ehem! Ang usapan ay usapan. Hindi niya pwedeng banggitin ang pangalan ni Janna o kahit anong tungkol sa kanya. That's the rule. Wala, eh. At dahil nilabag niya yung usapan, kailangan niyang mag-isip ng kahit anong knock-knock o joke. Sorry ka ngayon, boy. Hahaha.
"May naisip ka na bang knock-knock o joke? Parinig nga?" natatawang tanong ko kay Enzo na nakayuko na ngayon.
"Pwede next time nalang, pare?" pagtanggi niya.
"Bawal. Ang usapan ay usapan. Kailangan mong gawin 'to. Pabor pa nga sa'yo 'to, eh. Wala sila, ako lang yung makakarinig. Sige na, parinig na." pangungulit ko pa.
"Fine. Pero baka ma-cornyhan ka lang sa sasabihin kong joke." sagot niya.
"Kahit ano pa 'yan, pare. Sige na." pamimilit ko pa sa kanya.
"Anong paboritong negosyo ng mga bakla?" tanong niya na hindi ko na-gets.
"Huh? Joke ba 'yon?" nalilitong tanong ko sa kanya.
"Huwag na nga lang," sambit niya at yumuko na ulit.
"Sige na nga. Ano 'yon?" tanong ko.
"Edi BEKIry." seryosong sabi niya na medyo nahihiya pang sabihin yung joke niya.
Joke ba 'yon? Hahaha. Hindi ko itatanggi, masyadong corny yung joke niya at hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon. Pero kahit papaano, gusto kong matawa sa kanya.
"Yun na 'yon?" tanong ko at sinusubukang pigilin ang tawang gustong kumawala sa'kin. "HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hanggang sa hindi ko na mapigilan yung pagbuhos ng tawa ko. Grabe, hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa joke niyang 'yon. Waley 'yon at mukhang sa kung saan niya lang nakuha pero bentang-benta sa'kin. Ewan ko, masyado lang sigurong mababa ang kaligayahan ko. Hahaha.
Ilang sandali pa ng pagtawa ko ay napansin kong tumatawa na rin siya. Ayos din pala siya magjoke, eh. Pati siya, natawa sa sarili niya joke.
"Hahaha! Saan nanggaling yung BEKIry, pare? Corny 'yon pero natawa ako. Haha." sambit ko sabay hampas sa braso niya.
"Oo na, corny na kung corny. Atleast, natawa ka naman diba?" nakangiting tugon niya sabay balik ng suntok sa braso ko.
"At natawa ka rin naman diba? Haha." tanong ko pa.
"Pasensya na, hindi ako ganun kagaling mag joke eh. Pero salamat, pare ah?" seryosong sabi niya.
"Salamat? Para saan?" tanong ko.
"Salamat dahil tinutulungan mo 'ko. Ang swerte ko na naging kaibigan kita." seryosong paliwanag niya at tinapik yung balikat ko.
"Ano ka ba? Wala 'yon. Alam mo? Gwapo ka sana katulad ko eh. Kaya lang, lagi kang nakasimangot. Ngiti ka naman dyan." nakangiting sambit ko habang pinipilit siyang ngumiti.
"Gwapo na ko kahit hindi ako ngumiti, pare. Hayaan mo na." seryosong sabi niya na hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso talaga siya.
"Sige na, ngumiti ka na. Please?" pakiusap ko.
"Bakit ba gusto mo 'kong ngumiti?" tanong niya.
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, gusto kong maging masaya ka. Hindi yung lagi ka nalang seryoso at nag-iisip. Kailangan minsan, ngumiti ka rin. Parang ganito." ngumiti ako ng todo na medyo ikinatawa niya.
"Ayos 'yang ngiti mo pare ah? Haha." nakangiting sambit niya.
"Astig diba? Haha. Basta, huwag ka munang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo pero I'm here for you. Lahat kami. Huwag kang mag-alala. You'll be okay." sambit ko at ginulo ang buhok niya.
"Salamat." nakangiting tugon niya ginulo rin ang buhok ko.
Tawanan lang kami ng tawanan na dalawa. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at maya-maya pa ay nagpasya na kaming bumalik sa hotel. Ewan ko kung bakit ang saya-saya ko ngayong gabing 'to. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagkanta ko kanina o dahil kay Enzo? Masaya lang kasi akong natutulungan kong mapagaan yung loob niya kahit papaano. BEKIry, hahaha!
---
A/N: Hello, salamat sa pagbabasa ng kwento ko. Medyo kinikilig na ko kahit papaano, ewan ko lang sa inyo. Lols. Abangan yung mga next chapters! Bibigyan ko na kayo ng ilang pasabog sa mga scenes. Salamat ulit. (Paramdam din kayo.)