Chapter Two

1956 Words
Natapos ko na lahat ng kailangan kong tapusin para sa pag-alis ko bukas. Bukas na kasi yung trip to Palawan namin ng mga kaibigan ko. Yung mga natitirang orders na kaya ko pang i-paint ay ginawa ko na kanina. Para naman hindi hassle after two weeks kapag bumalik ako. It's been a long day, katatapos ko lang maligo. Tatlong paintings pa yung nagawa ko, mabuti nalang at nagka-oras pa ako para asikasuhin 'yon. Nagbihis na kaagad ako at naghanda na para matulog. It's already 10pm kaya nahiga na agad ako sa kama. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyare sa loob ng dalawang linggong mawawala ako para sa pagpunta ko sa Palawan. 2 weeks lang naman iyon at madali lang lumipas ang mga araw. Ayoko na munang isipan pa yung mga trabahong maiiwan ko dito. Relax Rylan, it's just a trip. Pinikit ko na ang mga mata ko at ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako. KINABUKASAN... Nagising ako sa malakas na pagtunog ng cellphone ko mula sa lamesa. Hindi iyon alarm kung 'di isang phone call galing sa mga kaibigan ko. Agad akong napabalikwas mula sa aking pagkakahiga at napabangon ako bigla. Kinuha ko ang cellphone ko doon at sinagot yung tumatawag. Si Renz. "Hello, pare?" mahinang sabi ko mula sa kabilang linya. "Rylan, nasaan ka na? Nandito na kami sa pinag- pagkikitaan natin." sambit niya habang naririnig ko yung mga kaibigan namin sa tabi niya. Teka? Anong oras na 'ba? Pagtingin ko sa oras ay 8am na pala. Ang usapan kasi ay 7:30am, patay. Ganun ba ako kapagod kagabi para makatulog ng mahimbing? Hayy! "Nako, sensya na. Kagigising ko lang, eh. Sige na, pare papunta na ko dyan." pagkasabing-pagkasabi ko noon ay agad kong binaba ang telepono at nagmadaling pumunta sa loob ng banyo. Wala pang 5 minutes ay natapos na ako sa aking pagligo. Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos ng aking sarili. Mabuti nalang pala at nakapag-empake na ako noong nakaraang araw pa kaya hindi masyadong hassle. Nang handa na ang lahat sa'kin ay pumunta na ako sa napag-usapang lugar. Sa coffee shop nila Kate. "Bakit ang tagal mo? Akala namin hindi ka na dadating." bati sa'kin ni Kate na nakasimangot. "Is that your way of greeting your friend? Sorry naman, late akong nagising eh." sagot ko habang umuupo sa table nila. "Akala kasi namin nagbago na naman isip mo, pare. Good you're here." sambit pa ni Renz. "Pwede ba naman 'yon? A promise is a promise. Kailan ba ako sumira sa pangako?" nakangiting sabi ko. "Yehey! So, ano na guys?" pagsingit ni Luna habang nagme-make up. "Since kompleto na tayo, let's go na." tugon naman nitong si Vin na tumayo na mula sa pagkakaupo. "Tara na," sambit ko at lumabas na kami ng coffee shop. Nandito na kami ngayon sa airport. Eroplano ang magdadala sa'min sa Palawan dahil sagot lahat ng raffle na napanalunan nitong si Kate ang lahat. Ilang minutong paghihintay pa ay pinasakay na kami sa loon at hindi lang pala kami pati yung ibang mga nanalo rin ng trip to palawan. Siguro apat na sets kami. Magkakalapit lang kami ng upuan ng mga kaibigan ko. Yubg dalawang babae magkatabi, ganun din sila Renz at Vin. Ako naman ay mag-isang nakaupo sa unahan nila, kawawa naman daw ako dahil wala akong katabi. Tss. Wala naman sa'kin 'yon, eh. Oo nga pala, may mga nobyo't nobya ang mga ito. Kaya lang, lahat sila long-distance relationship na. Yung girlfriends nila Renz at Vin, magkapatid. Sila Ashley, girlfriend ni Renz at Veronica, girfriend ni Vin. Nasa Korea sila dahil inaasikaso yung business ng mga magulang nila doon, half-korean kasi yung mga 'yon eh. Si Kate, yung boyfriend niyang si Bryan ay nasa Bohol. Pansamantalang inaalagaan yung lolo niyang may sakit. Yung boyfriend naman ni Luna na si Kyle, nasa Baguio at inaasikaso yung farm nila doon. Suma-tutal, ako lang yung nag-iisang single at walang nobyo sa aming magkakaibigan. Hindi naman ako naghahangad, hindi ko pa priority eh. Siguro, next time kapag naayos ko na lahat ng kailangan kong ayusin sa buhay ko. Mayroon na akong bahay, marami pang kulang at gusto kong paghirapan lahat iyon. Yung bahay ko kasi, sila mama at papa ang nagbayad noon. Regalo daw nila sa'kin matapos akong grumaduate ng college, so tinanggap ko. Miss ko na rin sila, lalo na sila papa at Rhian, ang nakababata kong kapatid na babae. Si mama lang kasi ang laging dumadalaw sa'kin sa bahay dahil siya lang yung walang trabaho. Si Rhian kasi laging may pasok at si papa naman, busy sa opisina. Yep, nagta-trabaho si papa sa opisina. Nagta-trabaho siya sa City Hall at madalas, overtime. Kaya ayun, hindi na kami ganun kadalas magkita-kita. Anyway, mabalik tayo sa kwento. Ilang minuto na mula nung lumipad ang eroplanong sinasakyan namin. Tatlong oras lang naman ang biyahe papunta sa Palawan kaya madali kaming makakarating doon. Tiningnan ko mula sa likod ang mga kaibigan ko and guess what? Lahat sila tulog habang nakasuot ng kanilang mga eye mask. Ano ba 'yan? Tinulugan ako? Yung iba namang pasahero ay tulog rin habang yung iba ay busyng-busy sa pagkukutingting ng kanilang mga cellphone. Hay, nakakabagot naman. Wala tuloy akong makausap. Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng antok dahil sa pagkabagot ko kanina. Wala naman kasi akong ginagawa at panay lang ang silip ko sa bintana ng eroplano. Sinuot ko na rin lang yung eye mask ko at naisipang mahimbing nalang. After 2 hours... "Rylan, gising! Hoy." nagising ako ng may taong umalog-alog sa katawan ko. Si Luna pala. "Hmm?" "Malapit na tayo, pare. Gumising ka na dyan." malumanay na sabi ni Renz habang tinatapik yung balikat ko. Nang tuluyan na akong magising ay agad akong umayos ng pagkakaupo. Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan. Sumilip ako sa bintana at natanaw ko na ang malawak na sementong pagbababaan ng eroplano. "Kanina pa kayo gising?" tanong ko sa kanila na hindi ko alam kung bakit tumatawa. "Yep, hahaha!" tawang-tawang sagot ni Kate habang hawak ang cellphone niya. What's wrong with them? Nakatulog lang ako, nagtatawanan na sila? Ugh. "Bakit? Anong meron?" takadong tanong ko sa kanila. "Nothing, pare hahaha!" bulalas ni Vin. "Oo nga, pare. Sarap ng tulog mo, ah? Hahaha!" sambit ni Renz na nakangisi din. What the? Anong nangyayare sa kanila? Ayoko pa naman sa lahat yung tinatawanan ako. Nakakainis. "Wala bang sasagot ng tanong ko? Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niyo?" seryosong tanong ko pero walang sumagot. Napukaw yung atensyon ko sa cellphone na hawak ni Kate at kanina niya pa tinitingnan. Mukhang may tinatago sila sa'kin. Agad ko iyong hinablot at tiningnan kung anong meron doon. Binalak pa ni Kate agawin 'yon pero agad kong inilayo at tiningnan 'yon. Akala niyo ha? "Give me back may phone, Rylan!" sambit ni Kate. "I'll give it back to you kapag nakita ko na kung ano bang meron dito." tugon ko at agad iyong tiningnan. Naka-play ang isang video doon sa gallery niya and what the heck?! Ako 'yon. Kinunan nila ako ng video habang natutulog na nakabukas yung bibig at humihilik. Now, I know kaya pala sila tumatawa ha? Well, nakakatawa naman talaga pero ugh! Kahit na, hindi nila dapat ako pinagkatuwaan ng ganoon. Asar. Yung ibang mga pasahero ay nakatingin na rin sa aminv kalokohan. Medyo nahiya tuloy ako. Ang mga lokong 'to kasi! "I hate you, guys!" asar na sambit ko sa kanila habang ibinabalik kay Kate yung phone niya. "Sorry na please? Ang cute mo kasi, eh. Hahaha!" sagot ni Kate na parang nang-aasar. Ugh. "Oo nga, cute mo Rylan. Hahaha!" dagdag pa ni Luna. Bwiset. Badtrip, dapat pala hindi nalang ako sumama sa trip na kung pagti-tripan lang pala nila ako. Nakakapagsisi. "Mga loko-loko talaga kayo!" bulalas ko at umupo na sa upuan ko. "Hayaan mo na, pare. Gwapo pa rin naman, di'ba Renz? Hahaha!" pang-aasar pa nitong si Vin. "Oo nga, pare. Haha!" pagsang-ayon ni Renz. "Ganyan kayo ha? Sana pala hindi nalang ako sumama. Nakakapagsisi." kunwari-seryosong sabi ko sa kanila na agad namang napaseryoso ang mga mukha. Agad naman silang lumapit sa akin para magsorry. Well, sa totoo lang? Wala naman sa'kin yun, eh. Maliit na bagay pero nakakainis dahil pinaglalaruan 'tong gwapo kong mukha. Yep, tama ang nabasa mo. Gwapo kong mukha. Kahit naman ano pa yung itsura ko dun sa video, tisoy pa rin ako. Walang halong biro, totoo 'yon. Maraming nagsasabi na gwapo raw ako at malakas ang dating. Ewan ko na lang dun sa parteng, malakas daw ang dating ko. Mahiyain kasi akong tao kaya hindi ko masasabi kung malakas talaga ang dating ko. Marami ring nagsasabi na kamukha ko daw si papa dahil tisoy din siya at may lahing kastila. Kaya wala akong dapat ikainis dahil kahit ano pa yung itsura ko doon sa video, still gwapo pa rin ako. Hahaha! "It's okay guys, gwapo pa rin ako kahit anong mangyari." sagot ko sa mga sinabi nila. "Wow, 'yan tayo eh. Oo na, gwapo ka na!" sambit ni Kate na hindi naman sumalungat sa sinabi ko. "Ikaw na, pare! Haha!" nakangiting sabi ni Vin habang tinatapik ang balikat ko. "All passengers, maghanda na dahil lalapag na ang eroplano. Ihanda ang sarili sa pagbaba.." Na-excite lahat ng pasaherong nakasakay sa eroplano, maging kami ng marinig iyon mula sa mga speakers na nakakabit sa pader. Inihanda na namin ang aming mga gamit at naghintay ng pagbaba ng eroplano. Nang makababa na ng tuluyan ang eroplano ay isa-isa na rin kaming bumaba sa labas. Nasa Palawan Airport kami at may nakaabang agad na tatlong van na sa tingin ko ay ang sasakyan namin patungo sa El Nido Resort. Sumakay na kami doon at this time magkakatabi na kaming lima. Mas malaki kasi yung upuan kaya mas komportable kahit pang-maramihan ang uupo. 1 hour daw yung biyahe papunta ng resort sabi sa amin nung driver ng van. Almost 12pm na ng dumating kami sa mismong resort. Sumalubong sa'min ang malaking sign na WELCOME PALAWAN at nagulat ako sa ganda ng tubig ng dagat doon. Ang ganda ng kulay puting buhangin na animo'y parang gusto na naming maglaro doon at gumawa ng sand castles. Sa sobrang ganda at linis noong paligid doon ay agad naglabas ng kanya-kanyang camera ang mga kaibigan ko para kumuha ng kani-kanilang litrato. Ako nama'y inikot lang ng aking paningin ang asul na asul na tubig-dagat. Kung alam ko lang na ganito pala talaga kaganda ang El Nido, edi sana hindi na 'ko nagdalawang-isip pa! Wow! "Selfie tayo guys!" sigaw ni Vin at agad naman kaming nagdikit-dikit para makuhanan ng litrato. "SAY CHEESEEEEE!" kasabay noon ang mabilis na pag-click ng camera sa cellphone ni Vin. Wala pa kami sa hotel na tutuluyan namin dito sa Resort. Dala pa rin namin ang aming mga gamit at nandito pa kami sa labas. Busyng-busy kasi ang mga kaibigan ko sa pagkuha ng mga litrato nila. Ako nama'y kinuha na rin ang cellphone ko at sumubok magselfie mag-isa. Humanap ako ng magandang anggulo at ngumiti na sa camera. Matapos iyon ay tiningnan ko ang kinalabasan ng aking litrato ngunit nagulat ako ng may makitang tao sa likod ko. Hindi multo, ha? Nakita ko ang lalakeng nakatingin rin mismo aa camera habang nakaupo at umiinom ng beer. Hindi ko pala namalayan na may tao sa likuran ko habang kumukuha ako ng selfie. Humarap ako sa mismong pwesto ng lalake at tiningnan ito. Sa tantiya ko ay kasing edad ko rin lang ito ngunit mukhang hindi nakapag-ahit at mukhang kano ang isang 'to. Habang nakatingin sa malayo ay bigla itong napatingin sa akin habang hawak-hawak ang bote ng beer na iniinom niya. Hindi rin naman nagtagal ay agad akong tumalikod na para yayain ang mga kaibigan ko na pumunta na sa hotel na tutuluyan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD