"Hoy, saan nga kayo galing dalawa?" tanong muli ni Luna na naka-pamewang.
"Mamaya na namin ipapaliwanag. Sa ngayon, gusto ko munang kumain." sambit ko.
Hindi pa kasi ako kumakain mula kaninang umaga, eh. 12pm na at hindi ko namalayan ang oras. Masyado yata kaming nagtagal sa lugar na 'yon.
"Sige, mauna na 'ko." seryosong sabi ni Enzo at naglakad na palayo.
"Anong nangyare dun?" tanong ni Kate na tila nagtataka.
"May nangyari ba?" dagdag ni Luna.
"Hayaan muna natin siya. Mamaya ko nalang ike-kwento sa inyo. Gutom na kasi talaga ako, eh. Kita nalang tayo mamaya." sambit ko at agad nang naglakad palayo sa kanila.
"Okay, sabi mo eh!" pahabol na sigaw sa'kin nung dalawa habang tumatakbo ako papunta sa hotel.
Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumiretso sa counter para magpa-serve ng pagkain sa kwarto ko. Sobrang nagugutom na talaga ako kaya marami yung pinaakyat kong order sa taas. Tutal, libre naman 'yon dahil covered pa rin 'yon ng ticket namin dito sa El Nido.
Ilang sandali pa ay dumating na yung mga pagkaing pina-order ko. Bago ako kumain ay naisip ko si Enzo, kumain na kayo 'yon? Bigla namang may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko 'yon at nakita kong muli si Enzo.
"Nahulog mo yata," sambit niya habang hawak-hawak ang sombrerong suot ko kanina.
"Saan mo 'to nakita?" tanong ko sa kanya habang kinumuha 'yon sa kamay niya.
"Bumaba kasi ako sa counter para sana magpa-serve ng pagkain sa kwarto ko, tapos nakita ko 'yan. Kaya pinuntahan kita dito para ibalik 'yan sa'yo." nakangiting sambit niya.
"Salamat, pare ha? Mahalaga talaga 'to sa'kin, eh. Nahulog ko nga yata dahil sa pagmamadali ko, mabuti nalang nakita mo." sambit ko at ginantihan rin siya ng ngiti.
"Wala 'yon. Sige, mauna na 'ko." paalam niya ngunit bago pa siya makaalis ay tinawag ko siyang muli.
"Sandali lang, pare. Alam kong pareho tayong hindi pa kumakain. Gusto mong samahan akong kumain? Ah, nagpa-order din kasi ako dito sa kwarto, masyadong marami kaya kung gusto mo.." pagputol ko sa pagsasalita ko. "Dito ka nalang kumain." alok ko sa kanya.
Hindi naman siya nagdalawang-isip pa at pumayag sa sinabi ko.
"Sige. Gutom na rin ako, eh."
"Pasok ka," sambit ko at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko.
May hindi gaano kalaking lamesa sa loob ng kwarto. Doon nakalagay yung mga pagkaing in-order ko kanina. Mayroong fried shrimp, steamed crab, mga gulay at iba pa. Pinaupo ko na siya at umupo na rin ako sa tabi niya. Binigyan ko naman siya ng plato para makakuha na siya ng pagkain. Napansin kong wala siyang gagamiting kutsara dahil nag-iisa lang yung gamit ko. Paano 'to?
"Sige, ikaw na yung gumamit." sabi niya at aktong kakamayin na yung pagkain.
"Huwag!" pagpigil ko na ikinagulat niya.
"Bakit? Malinis naman ang kamay ko, ah?" tugon niya.
"Ibig kong sabihin, hindi mo kailangan magkamay. Mahihirapan ka lang. Kung gusto mo, share nalang tayo sa kutsara na 'to." paliwanag ko sa kanya.
Ewan ko kung bakit ko nasabi 'yon? Share sa kutsara? Pwede ba 'yon? Ayos lang naman siguro dahil pareho naman kaming lalake at walang malisya dun.
Tiningnan ko lang kung anong magiging reaksyon niya sa suhestyon ko.
"Much better, pare. Sige, ikaw muna." sambit niya.
At dahil pumayag na siya, ako muna ang mauuna. Kumuha ako ng shrimp at binalatan iyon bago ako sumubo ng kanin. Sarap!
"Your turn, pare." sabi ko sabay abot sa kanya ng kutsara.
Hindi naman siya nag-atubili pa at agad niya iyon kinuha at sumubo ng kanin. Ganun lang yung ginawa namin hanggang matapos kaming kumain. Hindi ko alam kung bakit pero nag-enjoy ako sa simpleng bagay na 'yon. Hindi ko pa nararanasan na magshare ng kutsara sa ibang tao, ngayon lang. Mas okay pala kapag iisa lang yung kutsara, mas feel. Hahaha.
Maya-maya pa nang matapos kaming kumain ay nagpasya muna siyang manatili sa loob ng kwarto ko. Gusto niya daw kasi ng kausap, pumayag naman ako. Naupo kami sa magkabilang tabi ng kama. Mukhang malalim na naman ang iniisip ng taong 'to at mukhang malulunod na naman ako.
"Sa tingin mo, pare? Makakaya ko kayang wala siya?" tanong niya.
Obvious naman na si Janna yung tinutukoy niya. Nag-isip ako ng ilang segundo bago ako sumagot sa kanya. Pinag-iisipan ko kasing mabuti yung mga sasabihin ko sa kanya.
"Ano ka ba, pare? Syempre naman. Nasabi mo na sa kanya yung kailangan mong sabihin diba? So, kaya mo 'yan. Look, hindi natin mamadaliin ang pagmo-move on mo. Let's do it step by step at a time." sambit ko habang nakatingin sa bintana.
"Paano ba mag-move on, pare? Yung para sumaya ulit?" seryosong tanong niya na nakapagpaisip sa'kin. Paano nga ba?
"Sa tulad kong wala pang karanasan sa love? Hindi ko alam, pare eh. Pero kung may isang bagay lang na magpapasaya sa'kin, yun ay ang mas bigyan ng atensyon yung mga bagay na hilig kong gawin." sabi ko at lumingon sa nakatalikod na si Enzo.
"Sa pinagdadaanan ko ngayon, wala na akong oras para sa mga bagay na hilig ko, pare." tugon niya.
"Yun na nga 'yong point pare, eh. Sa pinagdadaanan mo ngayon, hindi ka na nagre-relax o kahit mag-enjoy lang sa mga simpleng bagay. Bakit hindi mo muna isantabi yung mga problema o yung mga bagay na nakaka-stress sa'yo? Gawin mo yung mga gusto mong gawin na hindi mo na ganun kadalas nagagawa." payo ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan galing yung mga pinagsasabi kong 'yon sa kanya. Basta nalang 'yon lumabas sa bibig ko kaya pinanindigan ko nalang. Tama naman ako, diba?
"Siguro nga, tama ka pare. Pero paano ko gagawin 'yon? Hindi ko alam kung paano ako magre-relax dahil hindi pa rin mawala sa isip ko si Janna." seryosong tanong niya na napalingon sa'kin.
Eto na naman siya. Paano nga niya makakalimutan si Janna? Kung bawat oras pangalan ni Janna yung binabanggit niya? Hay. Kung may isang bagay lang sana na magko-kontrol sa kanya para hindi magsalita ng kahit anong tungkol kay Janna. Ano nga ba? Alam ko na!
"Pare, may game akong ipapagawa ko sa'yo." sambit ko habang tumatayo para harapin siya.
"Ano 'yon?" seryosong sabi niya at humarap sa'kin.
"Hindi magiging madali para kalimutan mo si Janna kung palagi mong babanggitin ang pangalan niya. Ang catch dun, sa tuwing babanggitin mo ang pangalan niya mag-iisip ka ng 'knock-knock o joke' mo sa harap naming lima." nakangising sabi ko sa naguguluhang si Enzo.
Corny ba yung game na naisip ko? Pasensya, yun lang yung maayos na paraan para matulungan siya eh. Isipin niyo, magagawa bang magjoke ng isang taong brokenhearted? Hindi diba? Kaya kung ayaw niyang magpatawa, hindi niya babanggitin ang pangalan ni Janna.
Napaisip siya sandali, mukhang wala naman akong nakikitang pagtutol. Kaya sa tingin ko? Kakagat siya.
"Ano? Deal?" tanong ko pa.
"Deal!" nakangiting sabi niya na ikinatuwa ko naman.
"Mabuti naman kung gano'n." tugon at ginantihan rin siya ng ngiti.
Ilang sandali pa at lumabas na kami ng hotel. 3PM na pala at hindi namin namalayan yung oras habang nagke-kwentuhan kami. Nagpasya kaming bumaba na para hanapin sila Renz. Bakit bigla silang nawala? Hindi namin sila makita kahit saan. Wala sila sa beach, kahit sa loob ng hotel o kahit sa mga kwarto nila. Nasaan na yung mga 'yon? Nakakainis naman.
Dahil sa sobrang pagkainip ay naupo nalang kami ni Enzo sa ilalim ng puno ng niyog. Halos mag- a alas kwatro na at wala pa sila. Saan ba sila nagpunta? Bakit hindi sila nagpapaalam?
"Okay ka lang, pare?" tanong ng katabi kong si Enzo.
"Oo, naiinis lang kasi ako sa mga 'yon. Hindi manlang nagpaalam sa'tin kung saan sila pupunta." inis na sambit ko.
"Babalik din 'yon." nakangiting sagot niya.
"Nakakatampo lang kasi." sagot ko.
"Ang cute nga, eh." nakatulalang sabi niya sa'kin. Ano daw?
"Ha?" takadong tanong ko sa kanya.
"Ibig kong sabihin, ang cute nung mga kaibigan mong 'yon. I like them. Totoo sila at sa tingin ko, mabubuti silang tao." paliwanag niya.
"Syempre naman. Mababait talaga yung mga 'yon. Mula prep. school palang, kaibigan ko na sila. Hanggang ngayon, magkakasama pa rin kami. Ang saya nga, eh. Ang dami na naming pinagdaanan pero nananatiling magkakaibigan pa rin kami." pagke-kwento ko sa kanya.
"I wish na may mga kaibigan rin akong tulad nila. Tulad niyo." malungkot na sambit ni Enzo.
"Bakit? Wala ka bang kaibigan manlang sa Paris?" tanong ko sa kanya.
"Meron naman pero I'm not considering them as real friends. Hindi ko kasi alam kung sino yung totoo sa kanila, eh." tugon niya.
Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Wala siyang kahit isang tinuturing na tunay na kaibigan? Ang lungkot naman kung gano'n. Paano siya nabubuhay sa araw-araw kung wala siyang kaibigang nalalapitan tuwing may problema siya? Kawawa naman ang taong 'to. Brokenhearted na nga, wala pang totoong kaibigan.
"Nandito naman kami, eh. Kaibigan mo na kami ngayon, diba? Ako, pwede mo 'kong maging tunay na kaibigan. Pwede mo sa'kin sabihin lahat ng gumu-gulo dyan sa isip mo. Okay ba 'yon, sa'yo?" sambit ko.
"Okay." sagot niya.
"Hayaan mong magpakilala ulit ako sa'yo. Ako si Rylan Brix Montevero. I'm willing to be your real friend. Ikaw ba? Gusto mo ba akong maging kaibigan?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Nakapagpakilala na ako sa kanya pero unilit ko dahil hindi gano'n kaganda yung unang paghaharap namin. Tatlong araw rin lang mula nung dumating kami dito at nakilala ko siya. Sa tingin ko mabuti siyang tao. Kaya hindi ako nagdalawang isip na makipagkaibigan sa kanya.
"I'm Lorenzo Gonzales Hicks and my pleasure to be your friend. Salamat, Rylan." nakangiting sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.
Nakita kong kahit papaano ay sumaya siya sa pag-aalok ko ng pakikipagkaibigan sa kanya. Natutuwa rin ako na kahit papaano ay napagaan ko ang loob niya. Hindi ko pa siya ganun kakilala. Pangalan niya lang ang alam ko pero alam kong magiging mabuti siyang kaibigan at masaya akong maging kaibigan siya.