"H-hello?" wala sa tonong sabi ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya. "Rylan, ako 'to." nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses narinig. Ang boses na 'yon? Hindi ako pwedeng magkamali. Si Enzo 'yon. Pansamantala akong natigilan ng marinig ang boses niya. Nabalik lang ako sa realidad ng malamang patuloy pala siya sa kanyang pagsasalita. "Hello, Rylan? Nandyan ka pa ba?" tanong niya gamit ang mahina at marahan niyang boses. Walang anu-ano'y nagbago ang ekspresyon ng aking mukha at tila nag-iba ang ang ihip ng hangin. Kung kanina ay tahimik lang at komportable ang aking disposisyon, ngayon nama'y hindi mo maipinta ang itsura ng aking mukha na sinabayan pa ng pagkunot at pagsalubong ng aking mga kilay. Bumalik lahat 'yong inis at galit ko sa kanya, mula kanina nang makita ko yung p

