5pm, dalawang oras bago dumating ang mga kaibigan ko ay natapos ko na ang mga dapat kong gawin. Itinabi ko na rin ang unang dalawang painting sa shop at nakapaglinis na rin ako ng bahay. Ako kasi yung tipo ng taong sanay sa mga gawaing bahay. Sa katunayan, mas kinatatamaran ko pa ang pagluluto kaysa sa paglilinis. Sina-suggest nga ni Mama na kumuha na raw ako ng katulong para hindi raw ako mahirapan pero ako naman itong ayaw. Wala lang, mas komportable kasi ako kapag ako mismo yung naglilinis ng buong bahay. Atsaka, gastos lang 'yon eh. Kaya ko namang gawin, bakit ko pa ipapagawa sa iba diba? Since pupunta nga sila dito, sumaglit muna ako sa department store para bumili ng pagkain at ng beer na rin. Sigurado kasi ako na may mangyayaring inuman mamaya. Kaya, mabuti nang handa. Bumili ako

