"What? Dad naman! Kung gusto niyang magtrabaho, maghanap siya sa iba, 'di ba nurse siya? Hindi siya nababagay dito, at saka alam mo namang may secretary na ako," nang-gagalaiting wika ng asawa ko. Nasa opisina kami ng mga oras na iyon at isinama ako ng daddy namin para nga sa trabaho ko bilang secretary ng asawa ko. "Tumigil ka son, kahit ikaw ang CEO, ako pa rin ang magdedesisyon kung sino ang puwede kong ilagay sa kumpanyang ito," seryosong wika ni dad. Samantalang nakayuko lamang ako at nangangatog ang mga tuhod. "Ikaw?" turo ni daddy sa secretary ng asawa ko. "S-sir," nagkakandautal-utal ang secretary nito sa takot. "Fix your things now at ililipat kita sa ibang posisyon. From now, turuan mo muna ang asawa ng boss mo kung paano at ano ang mga gagawin bilang isang secretary. Und

