Napamura pa si Jake sa init na naramdaman niya kanina ng yakapin siya ng asawa at halikan sa leeg. Kung wala nga lang ang parent's niya sa mga oras na iyon baka kanina niya pa ito hinalikan at dinala sa kama. Ngunit nagpigil siya. Natutuwa siya sa isiping namimiss na din siya nito. At ngayon gusto na siya nitong makita at pati amoy niya gusto na rin nito. Gusto ko pa ngang matawa sa reaskyon nito kanina. Ngunit nagpipigil ako. Kahit si daddy napapaubo na dahil sa kasweetan na pinapakita ng asawa ko ganoon din si mommy. Pero hindi muna ako aasa masyado at baka magbago na naman taste nito at ayawan na naman ako nito. Baka hanapin na naman si Niel at 'di na naman ako pansinin. Haist, sana nga matapos na ang paglilihi niya. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Mahigit isang taon na. Gustong

