Ilang araw ang lumipas ng maging maayos muli ang aming pagsasama ng asawa ko. "Anak, kakain tayo sa labas, magbihis ka na," wika ni mommy sa akin. "Hindi po ba natin hihintayin si Jake mom?" tanong ko rito. Nasa opisina kasi ito, hindi naman ako nito sinasama at buntis nga ako. Ayaw nitong mag-alala ito sa akin kapag iniwan ako sa opisina kung may meeting ito. Minsan na rin akong sinama nito sa opisina, at masaya ako na medyo may edad na ang bago nitong secretary. Ipinalit daw ng ibang posisyon ang dati niyang secretary at baka daw magselos pa ako at kung ano na naman ang isipin ko. "Nandoon na sila anak, ng daddy mo. Doon na lang daw tayo hihintayin," nakangiting wika ni mommy. Nagsuot lang ako ng dress na fitted. Kahit kasi tatlong buwan na akong buntis. Hindi pa rin naman halata

