Episode 22

1004 Words

Ilang araw ang lumipas ng mapansin ko ang pagbabago ng aking asawa. Hindi na ito palakibo at mukhang nanlalamig ang pakikitungo nito sa akin. Kaya nakapagdesisyon akong kausapin ito. Dahil ramdam kong umiiwas ito sa akin. May mali sa ikinikilos nito na dapat kong malaman. "Baby, gusto mo bang magbakasyon tayo ulit sa tagaytay? Namimiss ko na rin pumunta roon eh, kung saan sinagot kita," masiglang tanong ko sa asawa ko. "Wala ako sa mood," maikling wika ng asawa niya na nakatingin lamang sa labas. Nasa sala sila ng mga oras na iyon. "B-baby, may nagawa ba akong mali sa'yo? Napapansin ko kasing parang nagbabago ka na sa 'kin," wika ko rito. Pinigilan ko namang huwag maging garalgal ang boses ko rito. Nasasaktan na ako sa mga ipinapakita nito sa akin. Ni hindi na rin nito magawang h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD