Dumating ang oras ng kinakatakutan ko, alas kuwatro na ng hapon at isang oras na lang para kunin sa akin ang mga papers na pinapatapos nito sa akin. Subalit ni 'di pa nga ako nangangalahati dahil sa dami nito. Gusto ko na talagang umiyak. Nang bigla na lang akong mapa-angat ng mukha. "Hi, papasok na ako ha, iyon naman kasi ang sabi ng babe ko eh," wika ni Nadia, ang dating malanding secretary. Nandito na naman? Hindi na ako nakasagot dahil pumasok na ito sa opisina ng asawa ko. Ilang minuto, ng tumunog ang intercom na nasa table ko. "Pumunta ka rito sa loob," wika ng asawa. Kinakabahan talaga ako at malamang na hahanapin nito ang mga papers na pinapagawa nito. Napanganga ako at harap-harapang naghahalikan ang dalawa, sa harapan ko pa talaga. So, sinasadya niya na talaga ito para

