"Nay Linda, sila mom at dad po?" tanong kaagad ni Jake kay Nanay Linda. "Ah hijo, nasa New York sila ngayon. Biglaan daw kasing nagkaroon ng kaunting problema sa negosyo ninyo. Kaya 'di sila sa'yo nakapagpaalam. Pero babalik din daw sila next week," mahabang paliwanag ni Nanay Linda. "Ganoon po ba. Sige po nay, salamat," wika ni Jake. "Oh siya hija, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahalang iakyat ang Sir Jake mo," wika ni Nanay Linda. "No, siya na lang po ang maghatid sa 'kin Nay Linda. Gusto kong siya na lang ang maghatid sa akin sa taas," agap na wika ni Jake na ikinagulat naman ng matanda. Namula naman ang mukha ni Nathalia ng makitang may kahulugan ang mga tingin na ibinigay sa kaniya ng Tita Linda niya. "S-sige hijo, siya anak, ihatid muna ang Sir Jake mo," wika nito. "A-ah

