Kasalukuyan kaming nasa kusina ni Tita Linda ng dumating ang mag-asawang Villafuerte. Kaagad naman namin itong sinalubong. "Good evening po," magalang kong pagbati sa mga ito. "Kumusta ang anak namin? Napakain mo ba siya hija?" tanong ni Ma'am Jessie. "Yes po ma'am, dinaan ko lang sa pagdadrama at ayon po kumagat naman," wika ko na may alanganing ngiti. "Wow! Talaga hija?" sabay pang wika ng mag-asawa. "Yes po," nahihiyang wika ko sa mg ito. Bigla naman akong nagulat dahil sa pagyakap sa 'kin ni Ma'am Jessie. "Thank you hija, ipagpatuloy mo lang 'yan ha. Ano man ang ginawa mong diskarte para mapaamo ang anak namin, ipagpatuloy mo lang. Sa dami kasi ng nurse na kinuha namin ngayon lang 'yan nakinig," nakangiting wika ni Ma'am Jessie. "Oh siya, pupuntahan muna namin si Jake at

