"Inay, kumusta ka na po? Masaya po ako at naging maayos ang operasyon ninyo," maluha-luhang wika ko habang kausap ko ito sa kabilang linya. Tinawagan ako ni itay upang ipaalam na naging maayos ang operasyon ni inay. "Oo anak at salamat anak ha, dahil sa akin napilitan ka pang mamasukan sa malayo," malungkot na wika ni inay. "Naku si inay talaga, huwag niyo akong alalahanin at maayos ang kalagayan ko dito. Alam niyo naman na gagawin ko ang lahat maipagamot lang kita, inay kaya kita," garalgal na wika ko rito. "Magpahinga na po kayo inay at lalong magpagaling. Sa susunod magpapaalam ako sa kanila upang makabisita sainyo," wika ko pa. "Talaga anak? Mabuti naman kung ganoon. Oh, sige na anak ikumusta mo na lang ako riyan sa Tita Linda mo ha, mabuti na lang at tinulungan niya tayo at n

