"Wow! Ang ganda-ganda talaga rito," nangingiting wika ni Nathalia habang pinagmamasdan ang malalaking puno at halaman na nasa paligid nila ni Jake. "Kapag nakakita ka na, makikita mo rin ito," ngiting wika pa rin niya kay Jake. "Nakita ko na 'yan ng ilang beses, remember sa amin nga ito," sagot naman nito. "Ay oo nga pala." Kinuha naman ni Jake ang cellphone niya at iniabot kay Nathalia. "A-anong gagawin ko rito?" takang tanong ni Nathalia. "Take a pictures with us," wika nito. "H-ha?" Kinabig siya ni Jake upang makaupo siya sa kandungan nito. Kasalukuyan kasing nakaupo si Jake at nakatayo naman siya. Nagulat na lang bigla si Nathalia ng mapaupo siya sa kandungan nito. Akmang aalis siya ng pigilan siya ni Jake gamit ang matitipuno nitong bisig. "Stay and take a pictures of us

