"Doc, kumusta po si inay?" tanong ko kaagad pagkalabas nito. "For now, medyo maayos pa siya. Pero kailangan natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil sa sakit niya sa puso. Matagal na ang kaniyang sakit, kaya kung hindi maaagapan kaagad, maaari niya itong ikamatay," mahabang wika ng doctor. "Magkano po kaya ang kailangan para maoperahan si inay?" tanong ko habang pigil ang luhang gustong kumawala dahil sa sinabi nitong anumang oras mamamatay ang inay kapag hindi ito kaagad naagapan. "Isang million ma'am, ang kailangan sa lahat-lahat na magagamit ng iyong inay," sagot ng doctor na ikinabigla ko. Ramdam ko rin ang biglang panghihina ng katawan ko dahil sa sinabi nito. Napakagat-labi pa ako dahil sa pinipigilang panginginig ng mga kamay ko. "Saan naman kami kukuha ng

